Pauleen Luna, hindi isyu na tawagin siya sa pangalan niya ng mga anak ni Vic Sotto

Pauleen Luna, hindi isyu na tawagin siya sa pangalan niya ng mga anak ni Vic Sotto

- Para kay Pauleen Luna, walang problema sa kanya na tinatawag siya ng mga anak ni Vic Sotto sa pangalan niya

- Aniya, hindi naman iyon lang ang basehan para masabing nirerespeto siya ng mga stepchildren niya

- Inamin niyang marami ang nagtatanong sa kanya kung bakit ganoon ang tawag sa kanya ng mga anak ni Vic ngunit aniya ay sana huwag nang problemahin ng ibang tao iyon dahil wala naman siyang isyu

- Base sa mga social media posts ni Pauleen at maging ng mga ibang anak ni Vic, hindi maipagkakaila ang pagiging malapit niya sa mga anak ni Vic na sina Vico, Danica at Oyo Boy Sotto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang isyu kay Pauleen Luna na tinatawag siya sa pangalan niya ng mga anak ni Vic Sotto sa mga nauna niyang karelasyon. Aniya, hindi lang naman iyon ang basehan para masabing nirerespeto siya ng mga stepchildren niya.

Read also

Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak

Pauleen Luna, hindi isyu na tawagin siya sa pangalan niya ng mga anak ni Vic Sotto
Pauleen Luna, hindi isyu na tawagin siya sa pangalan niya ng mga anak ni Vic Sotto (@pauleenlunasotto)
Source: Instagram

Sa vlog ni Camille Pratts kung saan nakasama niya si Pauleen ay inamin ni Pauleen na maraming nagtatanong sa kanya tungkol dito:

“Andaming nagtatanong, ‘Ah, bakit ganyan?’ You know, wala akong isyu, huwag niyong problemahin. May pangalan ako. Okay na iyon"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Kinaaliwan ang ibinahagi ni Pauleen na masayang kulitan nila kasama ang anak na si Tali at asawang si Vic. Nakipaglaro ang mag-asawa sa anak nila sa isang inflatable kiddie pool na mayroong slide. Hindi naman maitago sa mukha ng kanilang anak na makasama ang kanyang mommy at daddy. Marami sa mga netizens ang naaliw sa masayang bonding moment ng pamilya ni Bossing Vic.

Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen sa kanyang Instagram account. Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang. Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid. Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel