Maggie Wilson, nag-sorry sa mga maaapektuhan sa kanyang statement sa Adultery case

Maggie Wilson, nag-sorry sa mga maaapektuhan sa kanyang statement sa Adultery case

- Ayon kay Maggie Wilson nagbigay na siya ng statement kaugnay sa adultery charges na isinampa sa kanya ni Victor Consunji

- Aniya, sa kanyang pagbigay ng kanyang statement ay kalakip ang mga ebidensiya na magpapatunay sa kanyang pahayag

- Kaagad naisumite na umano ito ay magiging public document na maging ang mga ebidensiya kaya humingi siya ng dispensa sa mga taong maaring maapektuhan

- Aniya, sinubukan niyang ayusin ang problema sa pribadong pamamaraan ngunit sa pagkakaabot umano ng problema nila sa korte ay lalo lang silang magiging katawa-tawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humingi ng dispensa si Maggie Wilson sa mga taong aniya ay maaring maapektuhan ng kanyang nilabas na statement kalakip ang ilang mga ebidensiya. Kaugnay ito sa adultery charges na isinampa sa kanya ni Victor Consunji.

Maggie Wilson, nag-sorry sa mga maaapektuhan sa kanyang statement sa Adultery case
Maggie Wilson, nag-sorry sa mga maaapektuhan sa kanyang statement sa Adultery case (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

I just finished writing my statement in regards to the adultery charges which will include a substantial amount of exhibits of evidence.

Read also

RR Enriquez, aminadong hanga kay Julia; "Barretto 'yan e"

Once submitted, this will become a public document. I am sorry to all the women (and men) that this may affect. I have tried to keep matters private by trying to resolve things out of the public eye. I would ask for privacy for all parties involved when this is published.

The complainant bringing this to a public court is going to unfortunately make this look even more like a circus than it already is.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maggie Wilson, nag-sorry sa mga maaapektuhan sa kanyang statement sa Adultery case
Maggie Wilson, nag-sorry sa mga maaapektuhan sa kanyang statement sa Adultery case (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Read also

Lolit Solis, nagtataka kung may isyu si Janella Salvador sa pamilya: “Meron ba silang gap ng pamilya niya?”

Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.

Samantala, naglabas ng saloobin si Beth Wilson, ang kapatid ni Maggie kaugnay sa kanyang pinagdaanan. Unti-unti na umano siyang 'drained' physically, mentally at emotionally dahil sa lahat ng nangyari. Hiling niya umano sa Panginoon na sana ay matigil na ang aniya'y nonesense na nagyayari. Si Beth ang isa sa mga taong nasa bahay na sinabi ni Maggie na pinuntahan ng staff ng kanyang dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel