RR Enriquez, aminadong hanga kay Julia; "Barretto 'yan e"

RR Enriquez, aminadong hanga kay Julia; "Barretto 'yan e"

- Inamin ni RR Enriquez na hinahangaan niya ang aktres na si Julia Barretto

- Aniya, hindi siya basta nagpa-follow ng artista sa Instagram, pero dahil hanga siya kay Julia, pina-follow niya ito

- Tingin niya na strong ang personality ng aktres na kahit iwan umano ito ng kasintahang si Gerald Anderson, hindi ito basta-basta mabubuwag lalo na at isa itong Barretto

- Gayunpaman, hindi rin umano sila naniniwalang hiwalay na ang dalawa na pareho lamang may kanya-kanyang pelikula

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni "Sawsawera Queen", RR Enriquez na isa sa mga hinahangaan niya sa showbiz ay ang aktres na si Julia Barretto.

RR Enriquez, aminadong hanga kay Julia; "Barretto 'yan e"
Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nasabi niya ito matapos na mabanggit ang naging isyu kamakailann kung saan may espekulasyong hiwalay na sina Julia at Gerald Anderson.

Dahil dito, inamin ni RR na hinahangaan niya si Julia na kinakitaan niya umano ng pagkakaroon ng strong personality.

Read also

RR Enriquez kay Lolit Solis: "Kung nasa 70 plus na ako, 'di na ako sasawsaw"

"Alam niyo, I really like Julia Barretto talaga. I am followint her. Hindi ako nagpa-follow ng mga celebrity talaga not unless friend ko. Pero si Julia, I'm following her kasi I really like her talaga. And I think she has a strong personality. And everytime napapanood ko 'yung mga interview niya, alam niya 'yung ginagawa niya. Alam niya 'yung worth niya,

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I think sobrang strong ng personality niya na kahit mag-break sila ni Gerald, iwanan siya ni Gerald, ipagpalit man siya sa ibang babae... Hindi mo mabubuwag ang isang Barretto. Barretto 'yan e,
"And sa sobrang ganda ni Julia, marami pa rin siyang makikita na mas higit pa kay Gerald".

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Read also

Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel