Herlene Budol, binahagi ang isang reaction video ng sagutan nila ni Miss Manila

Herlene Budol, binahagi ang isang reaction video ng sagutan nila ni Miss Manila

- Binahagi ni Herlene Nicole Budol ang isang reaction video sa kontrobersiyal na sagutan nila ni Miss Manila Alexandra Abdon

- Makikita ang kanyang mukha ang tila pagkakairita nito habang pinapanood ang bahagi kung saan sinabi ni Miss Manila na tagilid siya pagdating sa qualifications ng pagsali sa pageant

- Matatandaang nauna nang sinabi ni Miss Manila sa isang panayam na scripted umano ang kanyang mga sinabi at sinabihan lamang siya kung ano ang sasabihin niya

- Marami naman sa mga viewers ni Herlene ang natuwa sa kababaang loob ni Herlene sa kabila ng mga nangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng kanyang reaksiyon si Herlene Nicole Budol sa video ng sagutan nila noon ni Miss Manila Nicole Abdon. Matatandaang sinabihan siya noon nito na medyo tagilid siya pagdating sa qualifications para sa beauty pageant.

Read also

Ion Perez, binahagi ang video ng kanyang pagbili ng pasalubong sa kanyang 'wifey'

Herlene Budol, binahagi ang isang reaction video ng sagutan nila ni Miss Manila
Herlene Budol, binahagi ang isang reaction video ng sagutan nila ni Miss Manila (@herelene_budol)
Source: Instagram

Muling pinanood ni Herlene ang naturang video na nangyari sa Wowowin kung saan isa siya sa mga host. Makikita ang kanyang mukha ang tila pagkakairita nito habang pinapanood ang bahagi kung saan sinabi ni Miss Manila na tagilid siya pagdating sa qualifications ng pagsali sa pageant. Kasunod nito ay pinakita niya sa naturang video ang announcement ng kanyang mga natanggap na award sa Binibining Pilipinas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Read also

Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa ama na naging daan para siya'y maging artista

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate