Cristy Fermin, nagbabala sa nagkalat na fake news ukol kay Kris Aquino: "Mag-ingat po tayo"
- Naikwento ni Cristy Fermin ang umano'y post tungkol kay Kris Aquino na nagawa nitong sagutin
- Sa kabila ng kanyang kondisyon at patuloy na gamutan, sinagot umano ni Kris ng 'I'm sorry, I'm still alive' ang sinasabing nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanyang kalagayan
- Kaya naman nagpa-alala rin si Cristy na mag-ingat sa iba't ibang napagkukunan ng balita na maaring fake news
- Aniya, kalabisan din umano ang magpalaganap ng balitang namayapa na ang isang tao gayung patuloy pa rin itong lumalaban sa buhay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Muling nagbahagi si Cristy Fermin ukol umano sa kalagayan ni Kris Aquino na patuloy ang gamutan sa Amerika.
Nalaman ng KAMI na bagaman at pinapahinga na sa social media ang 'Queen of all media', nagawa pa umano nitong sagutin ang balitang tungkol sa kanya na talagang nakaalarma.
"Ang alam ko 'yung sinagot niya 'yung napabalitang namatay na siya. "I'm sorry, I'm still alive. Marami raw kasi sa mga kababayan natin... na nagwi-wish na sana mawala na siya,
"Siguro naman po 'yung pagwi-wish na mawala ang ating kapwa, kalabisan naman 'yon. Ika nga, hindi naman po tayo nananalangin o nagdarasal para mawala ang isang taong ayaw natin."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagbabala rin siya sa mga taong patuloy umanong nagpapalaganap ng fake news para lamang may mai-content sa kanilang mga channel o page.
"Mag-iingat po tayo sa fake news. Ito po ay gawain ng mga tao na sa kawalan ng maii-content sa kanilang mga vlogs, ginagawa," paalala ni Cristy.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:
Patuloy na dumarami ang nag-aabang sa mga latest showbiz chika mula sa YouTube channel nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Wendell Alvarez na Showbiz Now Na!
Kamakailan nga ay isiniwalat ni Cristy sa naturang channel ang pagbabakasyon grande nina Coco Martin at Julia Montes matapos ang pagwawakas ng teleseryeng FPJ: Ang Probinsyano. Makailang beses din niyang nabanggit ang umano'y pagdadalang-tao ni Julia na siyang dahilan ng hindi nito pagbisita sa burol ng namayapang aktres na si Susan Roces.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh