Sunshine Cruz, nag-post ng picture kasama ang mga anak at dating asawang si Cesar Montano

Sunshine Cruz, nag-post ng picture kasama ang mga anak at dating asawang si Cesar Montano

- Nag-post si Sunshine Cruz ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niyang si Cesar Montano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang

- Ito ang unang pagkakataon na nagpost si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa

- Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga

Binahagi ni Sunshine Cruz ang picture nila ng kanyang tatlong anak at sa unang pagkakataon matapos ang paghihiwalay nila ni Cesar Montano ay nagbahagi siya ng picture nilang magkakasama. Kuha ito sa pagdiriwang ng ika-18 kaarawan ng anak nilang si Sam Cruz.

Sunshine Cruz, nag-post ng picture kasama ang mga anak at dating asawang si Cesar Montano
Sunshine Cruz, nag-post ng picture kasama ang mga anak at dating asawang si Cesar Montano (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Sunshine Cruz bumwelta sa basher: “You know nothing about our lives"

Sa caption ni Sunshine, nakalagaya ang mga katagang, "In God’s perfect time always."

Marami naman sa mga netizens at kasamahan ng aktres sa showbiz ang natuwa na makita silang magkakasama at buo matapos ang mahabang panahon. Bukod kay Cesar, naroroon din ang kasalukuyang partner ni Sunshine na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Matatandaang nag-post si Sunshine ng picture ng kanyang mga anak kasama ang kanilang amang si Cesar Montano at mga kapatid sa ama. Marami naman ang natuwa na matapos ang mahabang panahon ay nagbahagi si Sunshine ng picture ng mga anak kasama ang dating asawang si Cesar. Aniya at masaya siya para sa kanyang mga anak sa pagkakaroon ng dalawang taong matatawag nilang ama. Sa kanyang Instagram post ay binahagi niya rin ang mga pagbati ng kanyang mga anak sa kanyang karelasyon na si Macky Mathay.

Read also

52-anyos na Grab driver sa gabi, Grade 12 student naman sa umaga

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel