Sunshine Cruz bumwelta sa basher: “You know nothing about our lives"

Sunshine Cruz bumwelta sa basher: “You know nothing about our lives"

- Hindi pinalampas ni Sunshine Cruz ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies"

- Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba

- Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala

- Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binuweltahan ni Sunshine Cruz ang isang basher na nagsabing si Sunshine umano ang dahilan kung bakit naghanap ng iba si Cesar Montano. Ayon sa naturang basher, kaya na turn-off si Cesar ay dahil gumawa ng bold movies noon si Sunshine.

Sunshine Cruz bumwelta sa basher: “You know nothing about our lives"
Sunshine Cruz bumwelta sa basher: “You know nothing about our lives" (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post kung saan binati niya ang anak na si Sam Cruz, binahagi niya ang picture ng mga anak kasama ang ama nila, ang partner nito at iba pang anak ni Cesar.

Read also

Will Dasovich, nawindang nang bawi-an ng prank ni Francine Diaz

Sagot ni Sunshine sa basher, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Sunshine Cruz bumwelta sa basher: “You know nothing about our lives"
Sunshine Cruz bumwelta sa basher: “You know nothing about our lives" (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sunshine Cruz ay isang aktres na nagmulasa mga angkan ng Cruz. Pinsan niya sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz. Siya ay dating asawa ng aktor na si Cesar Montano. Sila ay nagkaroon ng tatlong anak, sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Matapos nilang magkahiwalay ni Cesar kasalukuyang karelasyon niya si Macky Mathay.

Sa isang social media post, hindi pinalampas ni Sunshine ang mga bashers na ininsulto siya sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya nang matanda. Aniya hindi dapat gamitin ang mga salitang ito sa negatibong paraan dahil aniya hindi lahat ay nabibigayan ng pagkakataon na mabigyan ng mahabang buhay.

Matatandaang nag-post si Sunshine ng picture ng kanyang mga anak kasama ang kanilang amang si Cesar Montano at mga kapatid sa ama. Aniya at masaya siya para sa kanyang mga anak sa pagkakaroon ng dalawang taong matatawag nilang ama. Sa kanyang IG post ay binahagi niya rin ang mga pagbati ng kanyang mga anak sa kanyang karelasyon na si Macky Mathay. Marami naman ang natuwa na matapos ang mahabang panahon ay nagbahagi si Sunshine ng picture ng mga anak kasama ang dating asawang si Cesar.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel