Will Dasovich, nawindang nang bawi-an ng prank ni Francine Diaz

Will Dasovich, nawindang nang bawi-an ng prank ni Francine Diaz

- Hindi nagpatalo si Francine Diaz sa pangpa-prank sa kanya ni Wil Dasovich kaya agad niya itong binawian nang mag-guest siya sa podcast ni Wil

- Sinabi ni Francine na hindi umano maganda ang araw niya at medyo bad timing yung prank ni Wil at sinusubukan lang umano niyang magmukhang masaya

- Dito na naapektuhan ang pananalita ni Wil at halatang kabado na siya sa pagtatanong dahil ayon kay Francine ay napapansin niyang parang hirap itong huminga

- Hindi na rin kinaya ni Francine na ituloy ang kanyang reverse prank at sinabi niya na din agad kay Wil

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumawi kaagad si Francine Diaz kay Wil Dasovich sa pangpa-prank nito. Nang mag-guest siya sa podcast ni Wil ay sinubukan niyang mag-reverse prank at aminado si Wil na kinabahan siya.

Read also

Francine Diaz, napa-walk out dahil sa prank ni Wil Dasovich

Will Dasovich, nawindang nang bawi-an ng prank ni Francine Diaz
Will Dasovich, nawindang nang bawi-an ng prank ni Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Bago nila gawin ang podcast, nauna nang na-prank ni Wil si Francine sa pamamagitan ng pagkukunwaring hindi siya komportableng sagutin ang mga katanungan ng dalaga sa kanilang vlog collab. Dahil dito ay nagmadaling umalis si Francine sa unit ni Wil. Panuorin ang kabuoan ng vlog dito.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel