Francine Diaz, napa-walk out dahil sa prank ni Wil Dasovich

Francine Diaz, napa-walk out dahil sa prank ni Wil Dasovich

- Hindi pinalampas ni Wil Dasovich na ma-prank ang self-proclaimed na "master prankster" na si Francine Diaz

- Sa kanilang pagsasama para sa isang vlog collaboration, pinakitaan ni Wil ng hindi magandang reaksiyon si Francine sa mga tanong nito

- Lingid sa kaalaman ng dalaga ay napaghandaan na ni Wil ang prank sa kanya at nagmadali siyang umalis sa condo unit ni Wil

- Nang makababa na siya ay saka lang sinundan ni Wil si Francine para i-reveal ang tungkol sa kanyang prank

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi kinaya ni Francine Diaz ang prank ni Wil Dasovich at nagmadali itong umalis sa bahay ng vlogger. Hindi din kaagad nasabi ni Wil na pina-prank niya lang si Francine kaya medyo nabagabag umano ang aktres.

Francine Diaz, napa-walk out dahil sa prank ni Wil Dasovich
Francine Diaz, napa-walk out dahil sa prank ni Wil Dasovich @francinesdiaz)
Source: Instagram

Sa vlog ni Wil Dasovich sinabi niyang hindi siya komportable na makita ang reaksiyon ni Francine habang pinapakitaan niya ito ng pagkamasungit. Ayon naman kay Francine parang naisip niyang pina-prank siya ngunit paalis na lang umano siya ay wala pa ding sinasabi si Wil kaya napaniwala siyang totoo lahat ng pinakita ni Wil na reaksiyon sa kanyang mga tanong.

Read also

Will Dasovich, nawindang nang bawi-an ng prank ni Francine Diaz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel