John Arcilla, aminadong nate-tense sa mga pagbabanta sa kanya
- Inamin ni John Arcilla na ikinabahala niya ang mga natatanggap na hate messages at threats dahil sa kanyang pagganap bilang Renato Hipolito sa seryeng "FPJ's Ang Probinsiyano"
- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nilinaw niyang kaya siya nate-tense siya dahil hindi niya alam kung paano ang kanyang magiging reaksiyon kapag nakaharap niya ang mga nagbabanta sa kanya
- Dagdag pa niya dahil matapang siya, lumalaban talaga siya lalo na kapag nasa harapan niya
- Gayunpaman, aniya ay iniiwasan niyang sagutin ang mga hate messages na ito dahil sa kanyang paningin ay 'nonsense' umano ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si John Arcilla na na-te-tense siya sa mga natatanggap na pagbabanta at hate messages sa kanya dahil sa kanyang pagganap bilang Renato Hipolito sa seryeng FPJ's Ang Probinsiyano. Gayunpaman, aniya ay iniiwasan niyang sagutin ang mga hate messages na ito dahil sa kanyang paningin ay 'nonsense' umano ito.
Kwento niya, noong una ay hindi umano niya pinansin ang mga natanggap na mga mensahe. Kinalaunan ay nag-post si Michael De Mesa kaugnay sa mga natanggap nitong mga mensahe at humingi ng dispensa ang taong nagbanta sa kanya.
Kaya naman, naisipan ni John na i-post na rin ang mga mensahe sa kanya lalo na ang may mga pagbabanta na tila hindi na umano naiintindihan na serye lamang iyon at iba naman si John sa totoong buhay.
Nilinaw niyang kaya siya nate-tense siya dahil hindi niya alam kung paano ang kanyang magiging reaksiyon kapag nakaharap niya ang mga nagbabanta sa kanya. Dagdag pa niya dahil matapang siya, lumalaban talaga siya lalo na kapag nasa harapan niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si John Arcilla o Romeo Gonzales Arcilla sa totoong buhay ay isang aktor at environmental advocate. Ipinanganak siya noong Hunyo 24, 1966 kina Dominador Gil Alemania Arcilla at Eustacia Gonzales sa Quezon City. Si John ay mula sa angkan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon.
Matatandaang umani kaagad ng mahigit isang milyon na views ang TikTok video ni John matapos lamang ang isang araw mula nang ibahagi niya ito. Ginaya niya ang viral na video ni Joshua Garcia sa TikTok na sa kasalukuyan ay mayroong mahigit isang daang milyon na views na. Pabiro din niyang sinabi na "tatay naman ni Joshua" ang patikimin ng 100 milyon na views. Matatandaang nitong Diyembre lamang ng nakaraang taon nag-umpisang mag-TikTok si Joshua ngunit halos 5 milyon na ang followers nito sa TikTok.
Matatandaang naibahagi ni John ang ilang mensaheng kanyang natanggap kaugnay sa kanyang ginagampanang karakter sa "FPJ's Ang Probinsiyano." Marami sa mga natanggap niyang mensahe ay galit at asar sa kanyang karakter sa naturang serye. Gayunpaman, mayroon ding iba na tila dalang-dala ng kanilang emosyon at nagbanta pa sa award-winning actor. Nilinaw niyang serye lang iyon at walang personalan kaya sana ay maintindihan ng mga manonood na hindi sila dapat magalit sa kanya.
Source: KAMI.com.gh