Donnalyn Bartolome, pinanindigang wala siyang dapat ihingi ng dispensa

Donnalyn Bartolome, pinanindigang wala siyang dapat ihingi ng dispensa

- Ayon kay Donnalyn Bartolome, hihingi siya ng dispensa kung alam niyang nakagawa siya ng pagkakamali

- Gayunpaman, kapag alam niyang nasa tama siya ay paninindigan niya kung ano man ang kanyang paniniwala

- Sa kanyang post ay binahagi niya ang mga pictures niya noon bilang patunay na parte ng kanyang nakaraan ang pagkaranas niya ng hirap

- Kinuwestiyon niya ang mga negatibong reaksiyon sa kanyang kanto-style birthday celebration gayong nagpapakatotoo lang naman daw siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nanindigan si Donnalyn Bartolome na wala siyang dapat ihingi ng dispensa sa kanyang "kanto style" birthday celebration. Aniya, kung alam niyang nakagawa siya ng mali ay humihingi naman siya ng dispensa kaagad.

Donnalyn Bartolome, pinanindigang wala siyang dapat ihingi ng dispensa
Donnalyn Bartolome, pinanindigang wala siyang dapat ihingi ng dispensa (@donna)
Source: Instagram

Gayunpaman, pinaninindigan niya ang kanyang mga ginagawa kapag alam niyang nasa tama siya. Aniya, nagpapakatotoo lamang siya kaya hindi niya maintindihan kung bakit may mga nagagalit sa kanyang ginawang birthday celebration.

Read also

Babaeng umano'y 'di agad nakabayad ng utang, ipina-tarpaulin; dumulog sa RTIA

Sa kanyang post ay binahagi niya ang mga pictures niya noon bilang patunay na parte ng kanyang nakaraan ang pagkaranas niya ng hirap. Matatandaang nauna niya nang nasabi na kinailangan niyang dumaan sa hirap nang umalis siya sa bahay nila upang maabot niya ang kanyang pangarap.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Read also

Donnalyn Bartolome, binahagi ang video ng kantang ginawa para sa kanya

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel