Lyca Gairanod, umalma sa mga reaksiyon sa kanyang sagot sa "Family Feud"
- Nilinaw ni Lyca Gairanod na wala siyang ibang pagkakahulugan sa kanyang naging sagot sa Family Feud kung saan naging guest sila kamakailan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Viral kasi sa social media ang bahagi ng video ng kanilang guesting kung saan naitanong sa kanila kung "Sa anong hayop inihahalintulad ang corrupt na politiko"
- Ang kanyang naging sagot sa tanong na ito ay "tigre" na iniuugnay ng ibang netizen sa politika
- Paliwanag ni Lyca, wala siyang ibang naisip lalo at nasagot na ng kalaban nila sa laro ang naisip niya nang mga sagot
Nilinaw ni Lyca Gairanod ang tungkol sa nag-viral na video ng kanyang naging sagot sa Family Feud kung saan naitanong sa kanila kung "Sa anong hayop inihahalintulad ang corrupt na politiko." Ang kanyang naging sagot sa tanong na ito ay "tigre" na iniuugnay ng ibang netizen sa politika.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ani Lyca, bukod sa kinakabahan siya ay tatlong segundo lang ang binibigay sa kanila para makasagot. Bukod pa doon, nabigay na ng kanilang katunggaling grupo ang mga sagot na kanilang naisip.
Ani Lyca, wala na siyang magagawa basta nilinaw na lang nila ang kanilang panig kaugnay sa isyu. Nilinaw niya rin na hindi niya iniuugnay ang sagot niya sa Pangulo na nabansagang "Tigre ng Norte" noong panahon ng kampanya.
Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.
Bago pa man siya sumikat ay nag-viral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.
Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Lyca nang madatnan ang kanyang ama na nakaratay sa hospital bed. Hindi umano siya sanay na makitang ganoon ang kalagayan ng kanyang ama na aniya ay isang "strong man."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh