Andre Yllana, aminadong may kurot pa rin sa puso kapag naririnig ang kantang 'Later'

Andre Yllana, aminadong may kurot pa rin sa puso kapag naririnig ang kantang 'Later'

- Naikwento ng mag-inang Aiko Melendez at Andre Yllana kung bakit naiiyak sila sa kantang 'Later'

- Pagbabalik-tanaw ni Andre, nang araw na narinig niya ang kantang iyon ay alam niyang malungkot ang kanyang ina

- Hanggang ngayon, tuwing naririnig o napapang-usapan ito, naluluha silang dalawa

- Si Andre ay panganay na anak ni Aiko sa aktor na si Jomari Yllana

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan ng mag-inang sina Aiko Melendez at Andre Yllana ay ang tungkol sa kantang 'Later' na may kurot umano sa puso nila.

Andre Yllana, aminadong may kurot pa rin sa puso kapag naririnig ang kantang 'Later'
Aiko Melendez kasama ang panganay na anak niyang si Andre (@aikomelendez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na natanong ito ni Aiko sa panayam niya sa anak na si Andre sa kanyang YouTube channel.

Hindi pa man nakasasagot, nanginginig na ang boses ni Andre at nangingilid ang luha habang ikinikwento kung bakit emosyonal sila sa tuwing maririnig ang kantang ito.

Read also

Andre Yllana sa amang si Jomari; "May mga bagay kasi na it's too late na"

"Naku iiyak, ayan na o! Kasi 'yung kwento nun Mom alam mo naman 'yun, nung bata ako ilang taon ako non? three, four? Tapos nagplay yung kanta na yun. Tapos malungkot ka 'nun e. Hindi ko maalala nun kung umiiyak ka ba 'nun. Basta, alam kasi ng anak kapag malungkot 'yung nanay... Nag-play 'yung kanta na 'yun. Tapos isa na lang yung nasabi ko sa'yo nun, sabi ko 'mom it's okay not to be okay," pagbabalik-tanaw ni Andre.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Simula 'nun, tumatak na talaga 'yung kanta na 'yun na... kinanta pa nga natin 'yun 'di ba? May kurot pa rin talaga 'yun kasi very meaningful nung kanta na 'yun," naluluha nang nasabi ni Andre.

Mapapansing naiiyak na rin si Aiko habang ikinikwento ni Andre kung bakit espesyal ang nasabing kanta sa kanilang dalawa.

Read also

Herlene Budol, aminadong hindi agad naintindihan ang tanong sa kanya sa Binibining Pilipinas

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod.

Maski ang mundo ng pagiging content creator ay pinasok na rin ni Aiko. Katunayan, may mahigit 820,000 subscribers na ang kanyang Youtube channel.

At ang pinakahuling nakapanayam niya ay ang kanyang panganay na anak na si Andre kung saan mas nakilala ito ng publiko lalo na at nag-aartista na rin ito tulad ng kanyang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica