Matteo Guidicelli, nagsalita na sa isyu: "Nothing should be taken personally"

Matteo Guidicelli, nagsalita na sa isyu: "Nothing should be taken personally"

- Nilinaw ni Matteo Guidicelli na nagbibiro lamang siya sa video kung saan makikitang pinagsasabihan nito si Alex Gonzaga

- Ayon sa kanya, nabahala din siya para kay Alex dahil nakakatanggap ito ng pambabatikos bunsod ng biruan nilang iyon

- Nilinaw niyang may karugtong pa ang video ngunit dahil pinutol ng ilang netizens na nagbahagi ng video, hindi na nakita ang kanyang pagbibiro kay Alex

- Aniya, bilang isang entertainment show ang "Tropang Lol", nag-eentertain lamang sila ng tao at hindi dapat umano pinipersonal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita na si Matteo Guidicelli kaugnay sa nag-viral na video kung saan pinakiusapan niya si Alex Gonzaga na tigilan na ang biruan tungkol sa kanilang mga ex. Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, nilinaw ni Matteo na nagbibiruan lamang sila.

Matteo Guidicelli, nagsalita na sa isyu: "Nothing should be taken personally"
Matteo Guidicelli, nagsalita na sa isyu: "Nothing should be taken personally" (@matteog)
Source: Instagram

Aniya pa, concern siya para kay Alex dahil na-bash ito dahil sa naturang eksena. Dagdag pa ni Matteo, dahil nga entertainment show ang Tropang Lol, nag-eentertain lamang sila ng manonood at hindi dapat pinipersonal.

Read also

Alodia Gosiengfiao sa breakup nila ni Wil Dasovich: "I don’t want drama, to be honest"

“There’s a lot of people that say negative things about her (Alex Gonzaga). I just want to clear the air and everything. Tropang LOL is an entertainment show and clips were coming out, naputol siya, without the punchline in the end e….na let’s joke around your toenails, Alex

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Matteo Guidicelli ay isang aktor, modelo at triathlete. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang serye at pelikula kagaya ng Saturday Night Chills (2013), Can't Help Falling in Love (2017) at Paglaya sa Tanikala (2012).

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Matteo ang kanilang outdoor adventure kasama ang misis na si Sarah Geronimo at ang kanilang mga furbabies. Pumunta sila sa Daraitan sa Tanay, Rizal kung saan sumakay sila sa kabayo at namasyal kasama ang kanilang mga alagang aso. Bilang isa sa mga artistang hindi mahilig magbahagi sa publiko ng kanyang personal na buhay, marami sa mga fans ng mag-asawa ang masaya na makita ang bahagi ng kanilang buhay mag-asawa. Marami sa mga AshMatt fans ang humiling na sana ay mas dalasan ni Matteo na magbahagi ng video nilang mag-asawa.

Sa isang Instagram post, proud na ibinida ni Matteo ang bagong achievement ng kanyang asawang si Sarah. Isa na umano itong ganap na pastry chef matapos niyang mag-aral ng baking and pastry course niya sa Henny Sison Culinary School. Ibinida ni Matteo ang pagiging masigasig ng maybahay kaya "limitless" umano ang mga achievements nito. Matatandaang malimit na pinagmamalaki ni Matteo sa Instagram ang mga luto ng kanyang misis.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate