Sharon sa iconic 'copycat' scene nila ni Cherie Gil; "that line will never be the same again"

Sharon sa iconic 'copycat' scene nila ni Cherie Gil; "that line will never be the same again"

- Muling ibinahagi ni Sharon Cuneta ang iconic 'copycat' scene nila ni Cherie Gil

- Ito ay bahagi ng pag-aalala sa namayapang aktres na malapit sa kanyang puso

- Sa isa pang post ni Sharon, naikwento nitong nabisita at nakausap pa niya si Cherie ilang oras bago ito pumanaw

- Namayapa ang batikang aktres na si Cherie Gil, hapon ng Agosto 5

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling binalaikan at ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang iconic scene nila ni Cherie Gil mula sa pelikulang 'Bituing walang ningning'

Sharon sa iconic 'copycat' scene nila ni Cherie Gil; "that line will never be the same again"
Sharon Cuneta and Cherie Gil (@macherieamour)
Source: Facebook

Matatandaang ang eksena mula sa nasabing pelikula na may linyang “you're nothing, but a second rate, trying hard, copycat!" ay tumatak na talaga sa maraming Pilipino.

At magpasa-hanggang ngayon, marami ang sumusubok na gayahin ang naturang eksena dahil nagsilbi itong sukatan ng husay sa pag-arte dahil mula ito sa dalawang malalaking pangalan sa showbiz.

Read also

Oyo Boy Sotto, ibinida ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa

"The Industry has lost one of the very best actors it has ever produced. I have lost a part of myself no one can ever replace," ang caption sa Instagram post kung saan ibinahagi niyang muli ang video clip ng nasabing eksena.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"That line will never be the same again, rest in power," dagdag pa niya patungkol sa 'copycat' line na nasabi ni Cherie sa pelikula.

Narito ang kabuuan ng post:

Agosto 5 nang gumulantang sa publiko ang pagpanaw ng batikang aktres sa bansa na si Cherie Gil. Kinumpirma ito ng pamangkin niyang si Sid Lucero na isa sa nagbahagi na sumakabilang buhay na ang isa sa mga haligi ng showbiz ng Pilipinas.

Base sa mga post ng aktres sa kanyang social media, nagpapagamot umano si Cherie sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa New York kung saan din umano siya pumanaw sa edad na 59.

Read also

Sharon Cuneta sa pagpanaw ni Cherie Gil; "What will I do without you now, Love?"

Si Cherie ay mula sa pamilya ng mga batikang aktor at aktres sa bansa na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil (kanyang mga magulang) at mga kapatid na sina Mark Gil at Michael de Mesa.

Isa sa mga huling naging proyekto ni Cherie sa telebisyon ay ang teleseryeng 'Onanay' ng GMA 7. Nakasama pa niya rito ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor. At ang pinakahuling TV appearance nga nito ay noong 2021 sa teleseryeng 'Legal Wives'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica