Andrew Schimmer, kinakayang alagaan ang asawa kahit kinukulang sa tulog

Andrew Schimmer, kinakayang alagaan ang asawa kahit kinukulang sa tulog

- Ayon kay Andrew Schimmer, nakasanayan na ng katawan niya na balansehin ang trabaho, oras sa mga anak niya at ang pag-aalaga sa asawa niya

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naibahagi niyang halos isang oras lang ang tulog niya kadalasan ngunit nakakayanan naman niya

- Dagdag pa niya, nararamdaman niyang lumalaban ang kanyang asawang si Jorhomy “Jho” Rovero sa kabila ng kanyang kalagayan

- November 1, 2021 pa dinala sa ospital ang kanyang asawa matapos niyang makaranas ng matinding asthma attack na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Andrew Schimmer habang ibinabahagi ang kwento ng buhay nila ng kanyang dalawang anak matapos dalhin ang kanyang asawa sa ospital. Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naibahagi niyang halos isang oras lang ang tulog niya kadalasan ngunit nakakayanan naman niya.

Read also

Vanessa Raval, naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi sa kanya

Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe sa misis para sa kaarawan nito
Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe sa misis para sa kaarawan nito (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Sa loob ng halos siyam na buwan, naitawid naman niya ang pangangailangan ng asawa at mga anak niya. Kahit papaano ay nakakapagtrabaho siya. Nabibigyan niya din ng oras na matulungan ang mga anak sa pag-aaral at hands-on din siya sa pag-aalaga sa kanyang asawa.

Pinagpapasalamat niya ang mga tulong na ipinaaabot ng mga taong nakakakita at naantig sa kanilang kwento. Hangga't nakikita niya daw na lumalaban ang kanyang asawa ay hinding-hindi niya ito susukuan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.

Nagbahagi ng mensahe si Andrew para sa kaarawan ng kanyang misis. Inihayag nito ang kanyang pagmamahal sa asawa na ilang buwan na ring namamalagi sa ospital. Umaasa ang aktor na muli niyang makikitang ngumiti at tumawa ang kanyang maybahay. Aniya, magkasama nilang haharapin at pagtatagumpayan ang pagsubok na kanilang dinaranas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate