Herlene Budol, proud sa kanyang naging sagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas 2022
- Ayon kay Herlene Nicole Budol, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon
- Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen
- Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino
- Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinagmalaki ni Herlene Nicole Budol ang kanyang pagsagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas 2022. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino
Ayon pa sa kanya, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon.
Sinabi ko noon na gagawa ako ng sarili kong kasaysayan para sa susunod na henerasyon, Kasaysayang magbubukas ng pinto sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging isang Beauty Queen!
Iginiit niyang hindi nangangahulugang mangmang ang isang taong hindi marunong magsalita ng Ingles.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Huwag matakot maging iba! Laging maging binibining hindi inaasahan! Dahil iyang ang inspirasyon tatatak sa masang Pilipino. Hindi kamangmangan ang hindi marunong magsalita ng Ingles! Huwag natin silang kutyain, bagkos turuan natin sila.
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.
Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos. Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.
Marami ang namangha sa transformation ni Herlene matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kabilang siya sa mga 40 na kalahok na masuwerteng nakapasok sa naturang pageant. Matatandaang dahil hindi siya bihasa sa pagsasalita sa English ay sinabi niyang Tagalog ang gagamitin niya kapag siya ay sasagot sa mga katanungan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh