Child star na si Baeby Baste, muling tinamaan ng dengue

Child star na si Baeby Baste, muling tinamaan ng dengue

- TInamaan ng dengue si Baeby Baste sa gitna ng tumataas na kaso ng mga tinatamaan nito

- Sa kanyang Instagram post, makikita siyang umiinom ng inumin na mula sa halamang Tawa-tawa

- Kapansin-pansin din ang ginamit niyang hashtag na #boydengue dahil ilang beses na rin itong nagka-dengue

- Bumuhos naman ang mensahe para kay Baste upang magpagaling na ito at magpalakas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon sa post ni Baeby Baste, muli siyang tinamaan ng dengue. Sa kanyang Instagram post, makikita siyang umiinom ng inumin na mula sa halamang Tawa-tawa.

Child star na si Baeby Baste, muling tinamaan ng dengue
Child star na si Baeby Baste, muling tinamaan ng dengue (@iambaebybaste)
Source: Instagram

Kapansin-pansin din ang ginamit niyang hashtag na #boydengue dahil ilang beses na rin itong nagka-dengue. Sa katunayan, noong July 2018 ay na-confine pa ito sa ospital dahil sa dengue. Nobyembre ng parehas na taon ay muli din siyang tinamaan ng dengue.

Sa isang post noong 2018, nagbiro pa ito na bata pa lang siya ay habulin na siya ng lamok.

Read also

Zeinab Harake, may hugot nang mapatiran ng face mask; "Hindi matibay... Bumibitaw!"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bata pa lang po ako, habulin na talaga ako... habulin ng mga lamok mula noon, hanggang ngayon loyal sila sa akin #boyDengue #lahatsamukha

Si Sebastian Benedict Granfon Arumpac o mas kilala bilang si Baeby Baste ay nagmula sa General Santos, South Cotabato. Bukod sa kanyang pagiging bahagi ng Eat Bulaga bilang isa sa mga Dabarkads host, umaarte din ito. Siya ang itinuring na pinakabatang Dabarkads bago naisama ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali Sotto.

Sa kasagsagan ng pandemya, kabilang si Baste sa mga nagbahagi ng biyaya. Namigay siya ng mga PPE sa mga frontliners. Nagbigay siya ng donation sa mga kapulisan, sundalo at sa Saint John the Baptist Medical Center health workers. Hands on ito sa kanyang pamamahagi ng donasyon.

Read also

Cristy Fermin kay Karla Estrada; "Na-overwhelm, hindi kinaya ang dating ng pera"

Naibahagi ni Baste ang isang video sa social media na umantig sa mga netizens. Ang naturang video ay kuha sa kanilang video call ni Vic Sotto, Pauleen Luna at anak nilang si Tali. Naiyak si Baste dahil namiss niya na umano si Bossing. Marami naman sa mga netizens ang nagbahagi ng mensahe para gumaan ang pakiramdam ng child star. Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya ay hindi nakakalabas ang mga bata kaya marami sa mga batang artista ang hindi nakapagtrabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate