Matteo Guidicelli, ibinahagi ang first opera date nila si Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli, ibinahagi ang first opera date nila si Sarah Geronimo

- Ibinahagi ni Matteo Guidicelli ang mga kaganapan sa first opera date nila ni Sarah Geronimo sa Arena Di Verona sa Italy

- Ayon kay Matteo, rekomendado ito ng Italian ambassador kaya naman hindi na nila pinalampas na ito ay mapanood

- Makikita kung gaano ka-excited si Sarah na bumili pa ng libro upang lubos na maunawaan ang show

- Matatandaang madalas na makatanggap ng papuri si Matteo dahil sa pagmamahal at pag-aalaga kay Sarah Geronimo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Matteo Guidicelli ang mga kaganapan sa first Opera date nila Sarah Geronimo sa Italy.

Matteo Guidicelli, ibinahagi ang first opera date nila si Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo (@matteog/ @justsarahgph)
Source: Instagram

Makikitang excited ang couple sa famous show na "Aida di Giuseppe Verdi" na rekomendado ng Italian ambassador kaya naman hindi na nila pinalampas na ito ay mapanood.

"The perfect evening for an Opera... The Opera took place at the historic, Arena Di Verona (which was mind blöwing!)" The show was fantastic with singers belting Italian lyrics with so much emotion!" ang caption sa ibinahagi niyang picture nila ni Sarah sa kanyang Instagram.

Read also

Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022

Makikita sa vlog ni Matteo na talagang interesado si Sarah sa opera na bumili pa sila ng libro nito upang lubos na maunawaan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maririnig din ang tawagan nilang 'Love' at 'Bubba' at kitang-kita ang sweetness ng mag-asawa.

Matatandaang madalas na mabigyang puri si Matteo dahil sa pag-aalaga nito sa kanyang misis. Makikita rin naman ang saya ni Sarah sa kanyang married life kasama si Matteo.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Sobrang happy naman ngayon si Sarah G na kamakailan lang ay nagdiwang ng ikalawang anibersaryo ng kasal nila ni Matteo Guidicelli.

Read also

Herlene Nicole Budol, nasungkit ang Manila Bulletin Reader's Choice Award

Gayunpaman, matatandaang noong Kapaskuhan ng 2021, nag-viral ang emosyonal na pag-awit ni Sarah ng 'Sana ngayong Pasko'.

Maging ang batikang showbiz reporter na si Ogie Diaz ay nakapagbigay komento rito matapos na mapansin ng netizens na tila pamilya raw ni Sarah G ang naiisip nito habang ito'y kinakanta niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel