Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post

Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post

- Inamin ni Vanessa Raval na scripted at gawa-gawa lang ang kwentong binahagi niya sa social media

- Kaugnay ito sa aniy'ay rapper na nangungulit daw sa kanya sa chat at hindi siya tinitigilan

- Sa kanyang bagong post ay humingi siya ng dispensa sa kanyang nagawa dahil sumugal lang daw siya sa mga taong mahal niya sa buhay

- Hindi niya na binanggit ang totoong dahilan kung bakit umano niya nagawa iyon ngunit hindi umano ito para sa kita sa FB

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Vanessa Raval, scripted at gawa-gawa lamang niya ang kanyang post na talaga namang lumikha ng ingay kamakailan. Sa kanyang bagong post ay humingi siya ng dispensa sa kanyang nagawa dahil sumugal lang daw siya sa mga taong mahal niya sa buhay.

Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post
Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook
Scripted lahat! Pinlano gumawa ng kwento. Sumugal lang sa mga taong mahal ko sa buhay. Pero bandang huli talo. PATAWAD SA LAHAT.

Read also

Vince Flores, pinanindigang mahal niya si Toni Fowler sa gitna ng pambabatikos sa girlfriend

Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post
Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Itinanggi niya rin na dahil sa kita sa Facebook kaya niya nagawa iyon ngunit hindi na niya ibinahagi ang tunay na dahilan.

Hindi para sa kita ng fb kaya ko to ginawa. Ako nalang siguro nakaka alam non. Salamat
Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post
Vanessa Raval, inaming scripted lang ang kanyang kontrobersiyal na post (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

Si Vanessa Raval ay anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kilala siya sa kanyang mga social media content at sa kanyang pagiging prangka sa mga inilalabas niyang komento at reaksiyon. Mayroon na ring daang libong followers ang kanyang iba't-ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Nagsalita na si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Read also

Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince Flores

Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya. Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan. Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate