Brenda Mage, pinakita ang kanyang pinagawang dream house

Brenda Mage, pinakita ang kanyang pinagawang dream house

- Pinakita ni Brenda Mage ang kanyang pinagawang dream house sa kanilang lugar sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental

- Inilibot niya ang kanyang mga viewers at YouTube followers sa kanyang pinagawang bahay

- Katabi ng kanyang pinagawang bahay ay naroroon lang din ang bahay ng kanyang pinakamamahal na nanay

- Naibahagi niyang balak niya ding ipaayos ang bahay ng kanyang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Brenda Mage ang kanyang bahay na kanyang naipatayo sa kanilang probinsiya. Inilibot niya ang kanyang mga viewers at YouTube followers sa kanyang pinagawang dream house.

Brenda Mage, pinakita ang kanyang pinagawang dream house
Brenda Mage, pinakita ang kanyang pinagawang dream house (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Naibahagi niyang balak niya ding ipaayos ang bahay ng kanyang ina na makikita lamang kalapit ng pinatayo niyang bahay.

Samantala, marami sa kanyang mga fans ang natuwa sa kanyang napundar at sa pagiging mapagmahal nitong anak sa kanyang ina.

Read also

Maricel Soriano, sinukat ang mga damit na matagl niyang hindi naisuot

Napaka swerte ng mama mo at may anak siyang kagaya mo. Napakabait at nakikita ko naman na matulungin lalo na pag dating sa pamilya mo. Napapa sana all nalang talaga ako na may halong inggit amping kanunay and more blessings to come.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

You’re an inspiration Madame the family you have is your priority that’s why you are blessed! Take care of yourself!
Congrats Bren sa new house mo . Hard work pays off. How nice to know your future plans for your family . God bless you.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Maine Mendoza, isinapubliko ang engagement nila ni Arjo Atayde

Matatandaang Umalma si Brenda sa mga panghuhusga sa kanya ng ilang netizens kaugnay sa kanyang bagong karelasyon. Ito ang mga taong nagsasabing pera lang umano ang habol sa kanya ng kanyang bagong boyfriend. Ani Brenda, kahit nga magaganda at pogi nga sa panahon ngayon ay naglolokohan kaya ano naman umano ang problema kung pera lang ang habol sa kanya. Matatandaang unang sumikat si Brenda nang sumali siya sa Miss Q&A ng It's SHowtime at kinalaunan ay sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel