Donnalyn, nagulat sa alok na date ni JM De Guzman sa kanilang 'can't say no challenge'

Donnalyn, nagulat sa alok na date ni JM De Guzman sa kanilang 'can't say no challenge'

- Nagulat si Donnalyn Bartolome nang bigla siyang ayaing makipag-date ni JM De Guzman sa kanilang 'can't say no challenge'

- Patapos na sana ang kanilang challenge nang maisip ni JM na isingit ang pag-aaya niya ng date sa sikat ng content creator

- Ayon kay Donnalyn, hindi umano scripted ang pag-aayang ito ni JM na ginawa pa talaga sa kanyang vlog

- Pumayag naman si Donnalyn sa kanilang 'friendly date' ni JM at tinanong pa nila ang kanilang subcribers kung saan nila nais na mag-date ang dalawa

Nagulat si Donnalyn Bartolome nang bigla siyang ayain na mag-date ni JM De Guzman.

Nalaman ng KAMI na kumasa si Donnalyn sa 'can't say no challenge' na ginawa nila sa YouTube channel ng aktor.

Donnalyn, nagulat sa alok na date ni JM De Guzman sa kanilang 'can't say no challenge'
Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Unang hiniling ni Donnalyn na iharana siya ni JM at aminadong kinilig ito dahil first time niyang maharana.

Read also

JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

Si JM, hiniling namang maging clingy si Donnalyn na animo'y magkasintahan sila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sumunod naman na pinagawa ni Donnalyn kay JM ay ang pagsusuot ng heels sa buong paglalakad-lakad nila sa mall.

Kahit nahihirapan, game na game naman si JM na magsuot ng ladies' shoes na nasa three inches ang heels.

Huli naman nitong hiniling na mag-baby talk si Donnalyn na sa umpisa'y ayaw pa sana nito.

At bago nga matapos ang kanilang challenge, humirit naman si JM ng pag-aaya kay Donnalyn na makipag-date ito sa kanya.

"Kailangan mo akong payagan na i-date ka, next time" ani JM.

"Sa vlog pa talaga ginawa, nakakahiya! Hindi 'to scripted. I swear to God," ang nasabi naman ni Donnalyn.

Gayunpaman, pumayag naman si Donna at sinabing friendly date ito kaya naman tinanong na rin nila ang kanilang subscribers kung saang lugar nila nais na makitang mag-date ang dalawa.

Read also

Rica Peralejo sa nagsabing mapagpanggap siya: "Sana magka-peace ka"

Narito ang kabuuan nag kanilang makulit na vlog:

Si Donnalyn Bartolome ay isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer sa bansa. Siya ang nasa likod ng mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Kamakailan, naging kontrobersyal si Donnalyn dahil sa mga nilarawan niyang 'stressful posts' na naibahagi online. Agad siyang naglabas ng pahayag ukol dito at humingi ng paumanhin lalo na sa kanyang mga subscribers at followers.

Naging usap-usapan din ang kanyang baby-themed birthday photos na inihingi rin niya ng paumanhin sa mga nakakita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel