Wil Dasovich, kinuwento ang reaksiyon nina Erwan at Nico Bolzico nang magkita sila

Wil Dasovich, kinuwento ang reaksiyon nina Erwan at Nico Bolzico nang magkita sila

- Nakwento ni Wil Dasovich ang para sa kanya ay nakakatawang reaksiyon ng mga kaibigang sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico

- Ito ay nang magkita sila nang dumating siya sa Pilipinas matapos ang tatlong buwang pamamalagi sa California

- Agad umanong tumakbo papunta sa kanya ang dalawa at agad siyang sinabihan na naroroon lang sila para sa kanya

- Matatandaang agad na naging maingay ang pangalan ni Wil matapos nga isapubliko kamakailan ng kanyang ex girlfriend na si Alodia Gosiengfiao na engaged na siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa podcast ni Wil Dasovich, nakwento niya ang nakakatawang reaksiyon ng kanyang kaibigang sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico nang muli silang nagkita kamakailan. Agad umanong tumakbo papunta sa kanya ang dalawa at agad siyang sinabihan na naroroon lang sila para sa kanya.

Read also

Wil Dasovich, binahagi ang kanyang tunay na nararamdaman: "Im not sad"

Wil Dasovich, kinuwento ang reaksiyon nina Erwann at Nico Bolzico nang magkita sila
Wil Dasovich, kinuwento ang reaksiyon nina Erwann at Nico Bolzico nang magkita sila (@wil_dasovich)
Source: Instagram

Sa naturang podcast, kasama niya ang kanyang kaibigang si Daniel. Naibahagi ni Wil na halos lahat ng mga taong makita niya ay tinatanong siya kung ayos lang daw ba siya kabilang na ang kanyang assistant na si Shavina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Wil Dasovich ay isang Filipino-American television personality, model, at vlogger. Nakilala siyang isa sa pinakaunang gumagawa ng YouTube video at naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.

Sa kanyang naunang ibinahaging video, nagkita nang personal sina Wil at Nuseir Yassin o mas kilala bilang si Nas Daily. Ito ang kanilang unang pagkikita matapos ang kontrobersiyal na podcast ni Nas kamakailan kung saan tinawag niyang dormant news channel si Wil. Sa kanilang pag-uusap, nilinaw ni Nas na simpleng pag-uusap lamang nila iyon at ikinagulat niya ang naging reaksiyon ng publiko kaugnay sa kanilang pag-uusap. Nilinaw din ni Wil na sadyang ganoon lamang ang kanilang biruan.

Read also

Rob Moya, sinabing masaya siya dahil nakakabawi na siya kay Toni Fowler

Samantala, binahagi ni Wil ang video ng kanyang pagpapakilala sa rumored gf niyang si Carla Humphries sa kanyang pamilya. Nauna na niyang naipakilala si Carla sa kanyang kapatid na si Haley Dasovich at base sa kanyang reaksiyon ay masaya ito na makilala si Carla. Ayon kay Carla, kahit unang beses pa lang niyang nakita sa personal ang pamilya ni Wil ay pakiramdam umano niya na matagal na silang magkakakilala. Masaya namang tinanggap ng mga magulang ni Wil si Carla na nakita umano nila sa mga naunang vlog ng anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate