Rob Moya, sinabing masaya siya dahil nakakabawi na siya kay Toni Fowler

Rob Moya, sinabing masaya siya dahil nakakabawi na siya kay Toni Fowler

- Pinakita ni Rob Moya ang kanyang pagbibigay ng regalo sa kanyang ex na ngayon ay kanyang kaibigang si Toni Fowler

- Ito ay sa pagdiriwang ng kaarawan ni Toni kamakailan kung saan nagdaos sila ng party na dinaluhan ng kanyang mga malalapit na kaibigan at pamilya

- Isang malaking kahon ang dinala ni Rob na ang laman ay isang arcade at hindi naman maitago ni Toni ang saya nang makita ang laman ng regalo nito sa kanya

- Ani Rob, masaya siya na unti-unti ay nakakabawi na rin siya kay Toni ngayong unti-unti na ring umaayos ang buhay niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masaya si Rob Moya na aniya ay unti-unti na siyang nakakabawi kay Toni Fowler ngayong unti-unti na ring umaayos ang buhay niya. Pinakita ni Rob Moya ang kanyang pagbibigay ng regalo sa kanyang ex na ngayon ay kanyang kaibigang si Toni.

Read also

Alex Gonzaga, pinakita ang kanilang simpleng date ni Mikee Morada

Rob Moya, sinabing masaya siya dahil nakakabawi na siya kay Toni Fowler
Rob Moya, sinabing masaya siya dahil nakakabawi na siya kay Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Makikita sa video na binahagi ni Rob na masayang-masaya si Toni nang makita ang kanyang regalo na isang arcade. Napayakap pa ito kay Rob. Kamakailan ay nagkaroon sila ng pagdiriwang ng kaarawan ni Toni kung saan nagdaos sila ng party na dinaluhan ng kanyang mga malalapit na kaibigan at pamilya.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang mga naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel