Coco Martin, pormal nang inanunsiyo ang pagtatapos ng 'FPJ's Ang Probinsiyano'
- Inanunsiyo ni Coco Martin sa pagtatapos ng episode ngayong gabi ng FPJ's Ang Probinsiyano
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Aniya, malungkot man sa pagtatapos ng kanilang serye, nagpapasalamat siya sa mga taong tumangkilik at sumuporta sa kanila
- Matatapos na ang naturang serye sa loob ng tatlong linggo na tinawag nilang ang pambansang pagtatapos
- Ang naturang serye ay umabot ng pitong taon na unang namayagpag sa ere noong September 28, 2015
Inanunsiyo na ni Coco Martin ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang seryeng "FPJ's Ang Probinsiyano. Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan ni Coco ang lahat na tumangkilik at sumuporta sa kanila.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Magaganap ang anila'y Pambansang pagtatapos sa huling tatlong linggo. Matatandaang dahil sa tagal ng naturang serye ay naging meme na sa social media ang mukha ni Coco.
Sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay hindi nagpatinag ang naturang serye na tuloy-tuloy pa rin ang pag-shoot kahit sa YouTube at social media na lamang sila napapanood. Magkanoon man, marami pa rin ang nanatiling nakatutok sa programa. Sa katunayan ay mataas pa rin ang bilang ng kanilang tagapanuod sa YouTube.
Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ay kasalukuyang bumibida bilang si Cardo Dalisay sa Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.
Sa Facebook live ni Senator Grace Poe, makikita ang pagdalaw ni Coco Martin sa lamay ng yumaong aktres na si Susan Roces. Emosyonal na kinuwento ni Coco ang kabutihan ni Susan sa kanya simula nang makasama niya ito sa teleseryeng 'Walang Hanggan' noong 2012. Tandang-tanda niya umano ang huling pagkikita nila ng kanyang Tita Sue at malakas umano ito kaya nabigla siya sa nangyari. Aniya, hindi lang katrabaho ang turing nila kundi lola umano siya ng lahat ng cast at crew ng 'FPJ's Ang Probinsiyano'.
Naging usap-usapan din ang kanyang social media post kung saan nagbahagi siya ng kanyang mensahe para kay Susan. Nagbalik-tanaw siya sa pag-umpisa ng "Ang Probinsiyano. Nabanggit niya din ang mga aral na kanilang natutunan sa aktres na aniya ay hindi nila makakalimutan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh