Bayani Agbayani, trending dahil sa kanyang pahayag tungkol sa overtime

Bayani Agbayani, trending dahil sa kanyang pahayag tungkol sa overtime

- Usap-usapan si Bayani Agbayani matapos ang kanyang pahayag sa programang 'Tropang Lol' kamakailan

- Nabanggit niya ang kanyang pagbati sa staff at direktor ng kanilang show dahil umano hindi sila nag-oovertime

- Hindi naman napigilang iugnay ng ilang netizens ang pahayag niyang ito sa kasunod na programang 'It's Showtime'

- Matatandaang naputol ang pag-ere ang It's Showtime sa TV 5 dahil nag-overtime ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Trending si Bayani Agbayani matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang pahayag sa programang Tropang Lol. Nabanggit niya ang kanyang pagbati sa staff at direktor ng kanilang show dahil umano hindi sila nag-oovertime.

Bayani Agbayani, trending dahil sa kanyang pahayag tungkol sa overtime
Bayani Agbayani, trending dahil sa kanyang pahayag tungkol sa overtime (@bayaniagbayani)
Source: Instagram
Batiin lang natin si direk, lahat ng staff kasi kahit kelan di tayo nag overtime"

Matatandaang naputol ang pag-ere ang It's Showtime sa TV 5 dahil nag-overtime ito. Gayunpaman, pabirong sinabing mga host na sa Facebook na lamang manood.

Read also

Service crew na umaalalay sa pagkain ng isang na-stroke, umantig sa puso ng marami

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang sumunod na mga episodes ng It's Showtime, kapansin-pansin na mas tinutukan nila ang oras para hindi na sila lumagpas sa oras na itinakda para sa kanilang programa.

Si Bayani Agbayani ay isang komedyante na nakilala sa Magandang Tanghali Bayan. Labis na sumikat ang kanyang awitin na "Otso-Otso" at "Atras-Abante" noong 2003. Bumalik siya sa kanyang orihinal na TV Station na GMA 7 matapos na mahigit 15 taon na mula lumipat sa ABS-CBN 2 noong 1996. Kilala si Bayani sa kanyang mga nakakatawang banat at jokes na talaga namang tumatatak sa kanyang manonood. Halimbawa na lang nito ay nang nasa I Can See You Voice pa ang komedyante.

Matatandaang naibahagi ni Bayani ang isang video na kanyang pinamagatang Uutangan o Ililibre. Sa nasabing video ay sasabihin ni Bayani kung uutangan niya ba o ililibre ang bawat personalidad na babanggitin sa kanya. Nabanggit ni Bayani na uutangan niya si Sharon Cuneta dahil sa ubod naman daw ito ng yaman. Dito na nakweto ni Bayani ang tungkol sa pagbigay sa kanya ni Ate Shawie ng tatlong branded na sapatos.

Read also

Alex Gonzaga, nagbiro tungkol sa isyung nag-resign siya sa Tropang Lol

Masaya din umano siya na mapabahagi ang kanyang anak sa pamilya nina Bea Alonzo. Masaya umano siyang napabilang sa isang mabait na pamilya ang anak na napangasawa ang nakababatang kapatid ni Bea. Ikinuwento din ni Bayani ang kanyang natuklasang taglay na kabaitan ni Bea pagdating sa kanyang pamilya. Inuuna umano ng aktres ang tulungan ang mga kamag-anak lalo na yung mga walang gaanong kaya sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel