Bayani Agbayani, nagulat nang papiliin ni Ate Shawie ng 3 branded na sapatos

Bayani Agbayani, nagulat nang papiliin ni Ate Shawie ng 3 branded na sapatos

- Ibinahagi ni Bayani Agbayani ang isang video na kanyang pinamagatang Uutuangan o Ililibre

- Sa nasabing video ay sasabihin ni Bayani kung uutangan niya ba o ililibre ang bawat personalidad na babanggitin sa kanya

- Nabanggit ni Bayani na uutangan niya si Sharon Cuneta dahil sa ubod naman daw ito ng yamana

- Dito na nakweto ni Bayani ang tungkol sa pagbigay sa kanya ni Ate Shawie ng tatlong branded na sapatos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naikwento ni Bayani Agbayani kung gaano ka-generous ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanya. Sa kanyang ibinahaging video sa kanyang YouTube channel na pinamagatang Uutuangan o Ililibre, naibahagi ni Bayani na nabigla na lamang siya nang papiliin umano siya ni Ate Shawie ng tatlong sapatos na pawang mga mamahaling brand.

Bayani Agbayani, nagulat nang papiliin ni Ate Shawie ng 3 branded na sapatos
Bayani Agbayani (@bayaniagbayani)
Source: Instagram

Ikinagulat umano ito ng komedyante dahil bigla an lamang daw ito at hindi naman sila nagkita o nagkakausap ni Mega.

Read also

Magkababatang nag-viral sa TikTok at nagkita dahil sa KMJS, nagkasamang muli

Ilan pa sa mga personalidad na aniya ay uutangan niya sa Uutuangan o Ililibre video niya ay sina Willie Revillame, Luis Manzano, Alex Gonzaga at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bayani Agbayani ay isang artistang Filipino na sumikat bilang komedyante at nakilala sa Magandang Tanghali Bayan. Labis na sumikatang kanyang awitin na "Otso-Otso" at "Atras-Abante" noong 2003. Bumalik siya sa kanyang orihinal na TV Station na GMA 7 matapos na mahigit 15 taon na mula lumipat sa ABS-CBN 2 noong 1996.

Kilala si Bayani sa kanyang mga nakakatawang banat at jokes na talaga namang tumatatak sa kanyang manonood. Halimbawa na lang nito ay nang nasa I Can See You Voice pa ang komedyante.

Naging usap-usapan ang umano'y naganap na pagtatalo sa pagitan Bayani at Billy Crawforwd.

Read also

Hash Alawi, may 1 million subscribers na sa YT; mamimigay ng mga CP at tablet

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan sa pagpapahayag ay ang pananagutan lalo na kung makakasira ng imahe ng ibang tao. Nawa ay dumami pa ang maging mabuting halimbawa sa pagbabahagi ng saloobin at opinyon nang may paggalang sa kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate