Billy Crawford, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang ama

Billy Crawford, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang ama

- Emosyonal si Billy Crawford nang magbigay ng mensahe sa kanyang magulang habang nagpaalam sa mga ito

- Nabanggit niya ang kanyang mensahe sa pagtatapos ng episode ng Tropang Lol ngayong araw

- Aniya, pinagdadasal niyang magkita pa silang muli ng kanyang ama at sinabi nito na mahal niya ang ama

- Hindi niya naitago ang emosyon sa garalgal niyang boses at agad na umalis sa entablado matapos niyang magsalita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinubukan ni Billy Crawford na pigilin ang emosyon nang magbigay siya ng mensahe sa kanyang ama. Nabanggit niya ang kanyang mensahe sa pagtatapos ng episode ng Tropang Lol ngayong araw.

Billy Crawford, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang ama
Billy Crawford, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang ama (@billycrawford)
Source: Instagram
I just wanna say mom, dad happy trip going back to the states.

Hindi niya naitago ang kanyang emosyon nang sabihin niyang mamimiss niya ang kanyang ama. Aniya, pinagdadasal niyang magkita pa silang muli at sinabi nito na mahal niya ang ama.

Read also

Coleen Garcia, aminadong naging ‘draining’ minsan ang breastfeeding para sa kanya

Hindi niya naitago ang emosyon sa garalgal niyang boses at agad na umalis sa entablado matapos niyang magsalita.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang bago sumapit ang kaarawan niya nitong Mayo ay ginawan ng paraan ni Coleen Garcia na makita ng ama ni Billy ang anak nilang si Amari. Pinagpasalamat ito nang sobra ni Billy.

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That".

Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pilipinas Got Talent, Pinoy Dream Academy, Idol Philippines at Your Face Sounds Familiar.

Kamakailan ay kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang mister na si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Read also

Rosmar Tan, ibinida din ang kanyang version ng "before and after" pictures

Samantala, sa isa pang post ay pinakita ni Coleen ang nakakaaliw na pag-photo bomb ni Amari sa pictorial nilang mag-asawa. Hindi nila napigilang matawa sa ginawa ni Amari habang ginaganap ang photoshoot. Sa isang picture ay makikita pa na naapakan ni Amari ang kamay ni Coleen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel