Andrea Brillantes, isinilang na walang pang-amoy: "Wala po akong pang-amoy at all"

Andrea Brillantes, isinilang na walang pang-amoy: "Wala po akong pang-amoy at all"

- Naibahagi ni Andrea Brillantes na wala siyang matandaan kahit noong maliit pa siya na nakakaamoy siya

- Hindi umano siya nakakaamoy at inamin ni Andrea na na-diagnose siya na may Congenital Anosmia

- Ang kondisyong ito ay kawalan niya ng kakayahan na umamoy na nagmula pa nang isilang ang isang tao

- Sa kabila ng kanyang kondisyon ay mahilig umano siya sa pabango at sa tulong ng kanyang ate at ng kanyang boyfriend ay nagtatanong siya kaugnay sa mga iba't-ibang amoy ng mga pabango niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Andrea Brillantes sa panayam sa kanya ni Karen Davila na na-diagnose siya na may Congenital Anosmia. Ito ay ang kondisyon kung saan walang kakayahang makaamoy ang isang tao mula nang siya ay isilang.

Andrea Brillantes, isinilang na walang pang-amoy: "Wala po akong pang-amoy at all"
Andrea Brillantes, isinilang na walang pang-amoy: "Wala po akong pang-amoy at all" (@blythe)
Source: Instagram

Kwento ni Andrea, napagtanto nila ng kanyang pamilya na wala talaga siyang maamoy nang sinubukan umano siyang utotan ng kanyang ama at wala umano siyang naging reaksiyon dahil wala talaga siyang naamoy.

Read also

Kiray Celis, binigyan ng P63K ang amang nagdiwang ng ika-63 taong kaarawan

Sa kabila ng kanyang kondisyon ay mahilig umano siya sa pabango at sa tulong ng kanyang ate at ng kanyang boyfriend ay nagtatanong siya kaugnay sa mga iba't-ibang amoy ng mga pabango niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye.Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Kaugnay ito sa pahayag ni Andrea kaugnay sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Read also

Juliana Segovia, muling nagpatutsada: "Kilala ng pangit ang pangit"

Ayon kay, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsasalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

stupid

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate