Pokwang, ayaw idamay ang pamilya sa dinadala niya kaya inilihim ang paghihiwalay nila ni Lee

Pokwang, ayaw idamay ang pamilya sa dinadala niya kaya inilihim ang paghihiwalay nila ni Lee

- Ayon kay Pokwang kaya tiniis niyang huwag ilabas sa loob ng pitong buwan ang paghihiwalay nila ni Lee O'Brian ay dahil ayaw niyang madamay ang kanyang pamilya

- Hangga't maaari umano ay tinitiis niyang huwag umiyak lalo na sa harap ng kanyang mga anak dahil ayaw niyang madamay ang mga ito

- Gayunpaman, napagtanto niyang kaya pamilya ay dahil dapat nagdadamayan

- Sa naturang panayam ay minabuti ni Pokwang na linawing walang third party at hindi pera ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tiniis umano ni Pokwang na huwag ilabas ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee O'Brian sa loob ng pitong buwan. Aniya, siya ang taong lahat tinitiis dahil ayaw niyang madamay ang kanyang pamilya.

Pokwang, ayaw idamay ang pamilya sa dinadala niya kaya inilihim ang paghihiwalay nila ni Lee
Pokwang, ayaw idamay ang pamilya sa dinadala niya kaya inilihim ang paghihiwalay nila ni Lee (@itspokwang27)
Source: Instagram

Sa panayam ng GMA showbiz news reporter na si Nelson Canlas, sinabi ni Pokwang na nahihiya umano siyang mandamay sa kanyang pinapasan ang kanyang pamilya. Gayunpaman, napagtanto niyang kaya pamilya ay dahil dapat nagdadamayan.

Read also

Zeinab Harake, masaya na daw na sila lang ng anak niyang si Bia ang magkasama

Sa kanyang paglilinaw, sinabi niyang napagod lang silang dalawa kaya sila naghiwalay. Pinasinungalingan niya ang mga akusasyon laban kay Lee.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel