Beks Battalion, binahagi ang kanilang car raid sa yayamaning sasakyan ni Dra. Vicki Belo

Beks Battalion, binahagi ang kanilang car raid sa yayamaning sasakyan ni Dra. Vicki Belo

- Binahagi ng Beks Battalion ang isang nakakaaliw na video kung saan pinaunlakan sila ni Dra.Vicki Belo sa isang car raid

- Pinasilip ng celebrity doctor ang loob ng kanyang luxury car na niregalo sa kanya ng mister noong Valentines Day

- Bukod sa kanyang mga mamahaling sapatos at iba pang branded na kagamitan, naglagay din ng ibang bagay ang Beks Battalion para biruin si Dra. Belo

- Gayunpaman, ayon kay Dra. belo ay naranasan niya na ito kay Vice Ganda kaya hindi na siya nagulat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napabilib ang Beks Battalion sa kanilang nakita sa loob ng luxury car ni Dra. Vicki Belo. Namangha sila sa mga mamahaling gamit na naroroon sa loob ngunit kinabiliban din nila ang pagiging simple ni doktora Belo.

HOLLYWOOD, CA - MAY 09: Doctor Vicki Belo arrives at "The Road" Los Angeles Special Screening at ArcLight Hollywood on May 9, 2012 in Hollywood, California. (Photo by Paul Redmond/WireImage)
HOLLYWOOD, CA - MAY 09: Doctor Vicki Belo arrives at "The Road" Los Angeles Special Screening at ArcLight Hollywood on May 9, 2012 in Hollywood, California. (Photo by Paul Redmond/WireImage)
Source: Getty Images

Bukod sa kanyang mamahaling sapatos ay kinagulat nila ang tsinelas na nasa loob dahil hindi ito mamahalin at tila hindi sila makapaniwala na gumagamit din ng mumurahing tsinelas si Dra. Belo.

Read also

OFW, sinuwerte sa amo na isa palang prinsesa sa Saudi Arabia

Meron din itong baon na mga tsokolate sa kanyang kotse. Karamihan sa mga dala niya ay mamahaling tsokolate ngunit meron ding yung choknut. paborito umano iyon ni Dra. belo kaya lang ay sa tingin niya nakakataba at nakaka pimples umano ito kaya hindi siya kumakain ng marami.

Naglagay din ng ibang bagay ang Beks Battalion para biruin si Dra. Belo. Gayunpaman, ayon kay Dra. belo ay naranasan niya na ito kay Vice Ganda kaya hindi na siya nagulat

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa ng publiko kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery. Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.

Read also

Brenda Mage, inilahad ang ugali ng boyfriend: “Hindi siya takot ipakita sa lahat”

Matatandaang sa inihandang sorpresa ni Hayden Kho para sa asawa, isang mensahe ang kanyang ibinahagi sa pamamagitan ng isang sulat. Hindi naman napigilan ni Dra. Belo na maluha sa inihandang mensahe ng kanyang mister. Ibinahagi ni Hayden ang kanyang pagpapahalaga sa misis at kung gaano ito kahalaga sa kanyang buhay. Marami ang kinilig sa sopresang ito ni Hayden sa kanyang asawa.

Bukod sa kanyang pabulaklak, may inihanda ding bonggang regalo si Hayden Kho para sa kanyang Valentines day surprise para sa kanyang asawang si Dra. Vicki Belo. Ito ay ang dream car ni doktora. Ayon kay Dra. Vicki Belo, matagal niya nang gustong bumili ng sasakyan mula sa brand na iyon ngunit palagi umanong nagbabago ang kanyang isip dahil mahal umano ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel