Zeinab Harake, nilinaw na wala pa siyang boyfriend sa gitna ng kumalat na mga pictures

Zeinab Harake, nilinaw na wala pa siyang boyfriend sa gitna ng kumalat na mga pictures

- Matapos mag-viral ang kanyang tweet, nilinaw ni Zeinab Harake na wala pa siyang boyfriend

- May mga videos na kumakalat maging sa TikTok kung saan makikitang kasama ni Zeinab ang lalaking hindi na pinangalanan ng vlogger

- Pinakalma nito ang mga followers niya dahil lahat na lang umano ng nakakasama niya ay ginagawan ng isyu

- Biro pa ni Zeinab dapat ay kalmahan lang para maluto ang kanyang magandang love life

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na nilinaw ni Zeinab Harake na wala pa siyang boyfriend matapos mag-viral ang video nila ng lalaking hindi na pinangalanan ng vlogger. Gayunpaman, pinakalma niya ang mga followers sa gitna ng mga kumakalat na sweet videos nila.

Zeinab Harake, nilinaw na wala pa siyang boyfriend sa gitna ng kumalat na mga pictures
Zeinab Harake, nilinaw na wala pa siyang boyfriend sa gitna ng kumalat na mga pictures (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Biro pa ni Zeinab dapat ay kalmahan lang para maluto ang kanyang magandang love life. Karamihan naman sa kanyang mga followers ay masaya para kay Zeinab dahil mukhang unti-unti na itong nakakabangon sa pagkakalugmok.

Read also

Zeinab Harake, usap-usapan matapos mag-tweet ng "looking for the right Mr. black"

Kung dati ay palagi siyang nakikitang malungkot, tila mas masaya na ito sa kanyang mga binabahaging posts sa social media.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate