Riva Quenery, binahagi ang video ng pagkanta nina Ruffa at Herbert ng "Maybe This Time"

Riva Quenery, binahagi ang video ng pagkanta nina Ruffa at Herbert ng "Maybe This Time"

- Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang isang video na mula ky Riva Quenery kung saan makikita silang kumakanta

- Kasama ni Riva sina Ruffa at ang naiuugnay sa kanya na si dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista

- Napapagitnaan nila si Riva habang kumakanta ng awiting "Maybe This Time"

- Nilagay ni Riva na siya umano ang third wheel at pabiro pa nitong tinanong si Ruffa ng "Maybe this time?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binahagi ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram story ang video na nagmula sa aktres na si Riva Quenery. Makikita sa video ang pagkanta nila kasama si Herbert Bautista ng awiting "Maybe This Time."

Riva Quenery, binahagi ang video ng pagkanta nina Ruffa at Herbert ng "Maybe This Time"
Riva Quenery, binahagi ang video ng pagkanta nina Ruffa at Herbert ng "Maybe This Time" (@iloveruffag)
Source: Instagram

Sa naturang video ay makikitang napapagitnaan nina Ruffa at Herbert si Riva na aniya ay ang third wheel sa dalawa. Pabiro pa nitong tinanong si Ruffa ng "Maybe this time?"

Read also

Vice Ganda, aminadong hindi naging madali ang pinagdadaanan

Sa kanyang IG post ay tila natawa lamang si Ruffa at nilagyan niya ng Lol sticker ang naturang video.

Matatandaang nagkasama ang tatlo sa seryeng "The House Arrest of Us" na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Naging malapit ang cast ng naturang comedy series. Sa katunayan ay kabilang si Ruffa sa sinabihan ni Riva tungkol sa kanyang pagbubuntis na kanyang pinakita sa kanyang vlog.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Sa isang episode ng "It's Showtime kamakailan ay naitanong ni Vhong Navarro si Chie Filomeno kung kamusta ito. Naibahagi ni Chie na nakwento niya kay Ruffa na magsusuot siya ng sneakers. Kinawindang naman ng netizens ang naging rebelasyon ni Ruffa tungkol sa umano'y presyo ng naturang sapatos na suot ni Chie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel