Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog

Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog

- Kasama ni Vice Ganda sa kanyang pinakabagong vlog episode ang kanyang malapit na kaibigang si Ethel Booba

- Kasama din ni Ethel sa naturang vlog ang kanyang asawang si Chef Jessie Salazar at anak nilang si Michaela na inaanak umano ni Vice Ganda

- Marami ang natuwa na makitang magkasama sina Vice at Ethel dahil marami sa kanilang mga subscribers ang dati pa ay humihiling na magkasama sila sa vlog

- Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa vlog simula nang pasukin nila parehas ang mundo ng paggawa ng mga YouTube videos

Si Ethel Booba ang naging guest ni Vice Ganda sa kanyang pinakabagong YouTube video. Marami ang natuwa na sa wakas ay napanood nila sa vlog na magkasama ang magkaibigan.

Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog
Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Matagal na ring hinihiling ng mga followers at subscribers ng dalawa na sana ay magkaroon sila ng collab vlog dahil bukod sa kilala sila bilang malapit na magkaibigan, mahusay din ang tandem nila pagdating sa pagpapatawa.

Read also

Ina ng napaslang na Grab driver na si Jang Lucero, nanawagan ng tulong sa publiko

Nakasama ni Ethel ang kanyang mag-amang sina Chef Jessie Salazar at anak nilang si Michaela na inaanak umano ni Vice Ganda. Pabiro pang kinuwestiyon ni Vice kung totoo daw ba na inaanak niya si Michaela.

Naitanong ni Vice sa kaibigan ang ilang mga bagay tungkol sa kanyang buhay bilang isang ina at bilang isang asawa. Maging si Chef Jessie ay masaya ding nakipagkulitan sa dalawa. Nabanggit pa nito na si Vice Ganda ang unang-una niyang napagsabihan tungkol sa pagbubuntis ni Ethel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Panayam ni Luis Manzano kay Francine Diaz, kinaaliwan ng netizens

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Matatandaang nasampolan si Vice Ganda ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro. Muling ginawa ng dalawang dating miyembro ng Streetboys ang dating ginagawa nila kay Vice Ganda at hindi ito napaghandaan ni Vice.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel