Andrew E sa komentong wala pa umano siyang ikinampanyang natalo; "I'm so happy, nakatulong"

Andrew E sa komentong wala pa umano siyang ikinampanyang natalo; "I'm so happy, nakatulong"

- Nabanggit ni Toni Gonzaga kay Andrew E ang minsang nasabi raw nito sa kapatid na si Alex Gonzaga

- Ito ay patungkol sa ikinakampanyang kandidato ni Andrew na wala pa raw sa mga ito ang natatalo

- Bagama't kulang umano ang nasabi ni Alex kay Toni, nagkatotoo pa rin umano ito

- Si Andrew E ang isa sa mga performers ng UniTeam kasama ni Toni Gonzaga na main host ng kanilang kampanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napag-usapan nina Andrew E at Toni Gonzaga sa kanilang interview ay ang tungkol sa nasabi raw ni Andrew sa kapatid ni Toni na si Alex.

Andrew E sa komentong wala pa umano siyang ikinampanyang natalo; "I'm so happy, nakatulong"
Andrew E (@andrewe_dongalo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay patungkol sa ikinakampanya ni Andrew na mga kandidato na umano'y wala pang natatalo.

"May sinabi si Alex. Na nagpalakas ng loob ko. Sabi niya sa'kin. Alam mo ba, sabi sa'kin ni Kuya Andrew, wala pa akong ikinampanyang kandidato na natalo," ani Toni.

Read also

Andrew E, nagulat nang agad na matanggap si Donita Rose sa kanilang audition

Nilinaw naman ito ni Andrew gayung tila kulang ang naiparating ni Alex sa kanyang ate Toni.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Alex, ah sakaling nanonood ka, pero Alex ang sinabi ko sa'yo noon ay hindi mo binuo sa ate mo. Ang sabi ko sa'yo Alex, wala pa akong kinampanyang natalo. Mataas ang batting average ko hanggang ngayon, noong nag-uusap kami. Kasi nung matapos kaming mag-usap, wala nang kasiguraduhan," ani Andrew.

Ayon naman kay Toni, nagkatotoo naman ito lalo na at nanalo nga ang mga sinuportahan nilang kandidato sa pangunguna nina President-elect Bongbong Marcos at Vice President- elect Sara Duterte.

"And I'm so happy, nakatulong or hindi, naging instrument o hindi. Nakabahid ako ng kahit kaunting ano kontribusyon. 'Yung mga pagkakataon na nadun sila sa init ng araw, tapos bibigay na 'yung katawan nila. Tapos bibigay na 'yung katawan nila. Ang sakaling makakapag-turn around lang ng energy para makalimutan nila 'yung nararamdaman nila the whole day."

Read also

Ogie Diaz, sinabing nasa Php 24 million ang umano'y naluging pera ni Tom Rodriguez

Narito ang kabuuan ng kanilang usapan mula sa Toni gonzaga Studio:

Si Andrew Ford Valentino Espiritu o mas kilala bilang si 'Andrew E' ay isang Filipino rapper, record producer, actor, toy collector at comedian. Una siyang nakilala sa larangan ng pag-rap noong 1990 dahil sa debut hit single "Humanap Ka Ng Panget" na kamakailan lang ay naging usap-usapan dahil sa tanong sa kanya ng vlogger na si Zeinab Harake.

Kamakakailan, napag-usapan din nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang tungkol sa pagkampanya ni Andrew E sa iba't ibang mga kandidato kung saan lahat umano ay nananalo.

Kabilang na rito ang nagwagi bilang Presidente at Bise Presidente ng bansa na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte ng UniTeam.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel