Sunshine Cruz, binahagi ang picture ng mga anak kasama ang kanilang ama at mga kapatid

Sunshine Cruz, binahagi ang picture ng mga anak kasama ang kanilang ama at mga kapatid

- Nag-post si Sunshine Cruz ng picture ng kanyang mga anak kasama ang kanilang amang si Cesar Montano at mga kapatid sa ama

- Aniya at masaya siya para sa kanyang mga anak sa pagkakaroon ng dalawang taong matatawag nilang ama

- Sa kanyang IG post ay binahagi niya rin ang mga pagbati ng kanyang mga anak sa kanyang karelasyon na si Macky Mathay

- Marami naman ang natuwa na matapos ang mahabang panahon ay nagbahagi si Sunshine ng picture ng mga anak kasama ang dating asawang si Cesar

Masayang binahagi ni Sunshine Cruz ang picture ng kanyang tatlong anak kasama ang ama nilang si Cesar Montano at ang kanilang iba pang mga kapatid sa ama. Masaya umano siya para sa kanyang mga anak sa pagkakaroon ng dalawang taong matatawag nilang ama.

Sunshine Cruz, binahagi ang picture ng mga anak kasama ang kanilang ama at mga kapatid
Sunshine Cruz, binahagi ang picture ng mga anak kasama ang kanilang ama at mga kapatid (@sunshinecruz718
Source: Instagram

Binahagi niya rin ang mga pagbati ng kanyang mga anak sa kanyang karelasyon na si Macky Mathay. Hindi niya direktang binati si Cesar ngunit isang pagbati para sa lahat ng ama ang kanyang binahagi.

Read also

Danica Sotto, isinapubliko ang pagbubuntis niya sa baby no. 3 nila ni Marc Pingris

How blessed are my girls to have 2 dads! Happy and proud of you three! Have fun with your dad and siblings and see you later mga anak ❤️☺️Happy Father’s Day to all Dads out there! Cheers!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami naman ang natuwa na matapos ang mahabang panahon ay nagbahagi si Sunshine ng picture ng mga anak kasama ang dating asawang si Cesar. kabilang sina Karla Estrada, Jackie Forster at Teresa Loyzaga ang naghayag ng kanilang kasiyaham para sa mag-aama at para kay Sunshine.

Si Sunshine Cruz ay isang aktres na nagmulasa mga angkan ng Cruz. Pinsan niya sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz. Siya ay dating asawa ng aktor na si Cesar Montano. Sila ay nagkaroon ng tatlong anak, sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Matapos nilang magkahiwalay ni Cesar kasalukuyang karelasyon niya si Macky Mathay.

Read also

Zeinab Harake, binati ang mga kapwa niya mommy na nagpapaka-tatay sa mga anak

Kamakailan ay binati ni Sunshine si Diego Loyzaga sa kanyang kaarawan. Tinawag niya itong best brother para sa kanyang tatlong anak. Si Diego ay half brother ng mga anak niya sa amang si Cesar Montano.

Sa isang social media post, hindi pinalampas ni Sunshine ang mga bashers na ininsulto siya sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya nang matanda. Aniya hindi dapat gamitin ang mga salitang ito sa negatibong paraan dahil aniya hindi lahat ay nabibigayan ng pagkakataon na mabigyan ng mahabang buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel