Zeinab Harake, binati ang mga kapwa niya mommy na nagpapaka-tatay sa mga anak

Zeinab Harake, binati ang mga kapwa niya mommy na nagpapaka-tatay sa mga anak

- Saludo si Zeinab Harake sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak

- Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet

- Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee

- Samantala, kasalukuyang burado na ang Facebook post ni Skusta Clee kung saan nag-post siya ng picture nila ni Bia

Binati ni Zeinab Harake ang mga kagaya niyang mommy na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Saludo umano siya sa mga kagaya niya na single mom.

Zeinab Harake, binate ang mga kapwa niya mommy na nagpapaka-tatay sa mga anak
Zeinab Harake, binate ang mga kapwa niya mommy na nagpapaka-tatay sa mga anak (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak nilang si Zebbiana at ang adopted son niyang si Lucas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Zeinab Harake, nakatanggap ng mga pagbati sa Araw ng mga Ama

Bumuhos naman ang mga pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Happy fathers day ate zeb ingat ka palagi kayo ni bia stay strong ka lng ate zeb andito lng kami para sayo lagi ka naming susuportahan promise
Happy Father's day Zeb. Bia is so blessed to have you . Patuloy ka nmin susuporthan.
Happy father's day ate @ZeinabHarake11 . This day also for you to appreciate being a mommy and daddy to Bia, Moon and Lucas ✨ Zebbies are always here to support you, Iloveyou forever.

Samantala, isang picture ang binahagi ni Skusta Clee sa kanyang Facebook account kung saan na-post niya ang picture nilang mag-ama kalakip ang pagbati para sa mga tatay. Burado na ito sa kasalukuyan matapos umani ng mga reaksiyon ang kanyang post.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Winwyn Marquez, binati ang kanyang boyfriend sa unang Father's Day nito

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zeinab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel