Rob Moya, na-touch daw sa "Loyals vs. Cheaters" na meme

Rob Moya, na-touch daw sa "Loyals vs. Cheaters" na meme

- Ayon kay Rob Moya, na-touched siya sa nag-post ng meme na aniya ay tungkol sa "Loyals vs. Cheaters"

- Makikita ang picture ng mga Ex-Battalion members na sina Jon Gutierrez, Skusta Clee at Flow G

- Kalakip din ang picture nina Daniel Padilla at Ian Veneracion at kapansin-pansin ang picture ni Rob na dinikit kasama nila

- Biro pa ni Rob, hindi umano edited ang meme na iyon na kanyang na-post sa Facebook at talaga namang umani ng mga "haha" reacts

Nag-post si Rob Moya ng meme na aniya ay tungkol sa "Loyals vs. Cheaters." Na-touched umano siya sa meme na iyon kung saan sinali siya sa "Team Loyals" kasama sina Daniel Padilla at Ian Veneracion.

Rob Moya
Rob Moya
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

James Reid, trending sa Twitter dahil sa bagong larawang kasama si Nadine Lustre

Makikita ang picture ng mga Ex-Battalion members na sina Jon Gutierrez, Skusta Clee at Flow G sa isang bahagi ng meme. Matatandaang naging kontrobersiyal ang mga relasyon ng tatlo. Pinakahuling naiintriga sa kasalukuyan si Flow G. matapos ang mga naging patutsada ni Mark Jayson Warnakulahewa o MG.

Biro pa ni Rob, hindi umano edited ang meme na iyon na kanyang na-post sa Facebook at talaga namang umani ng mga "haha" reacts.

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya. Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya magpapaloko.

Hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal. Nang sinagot na ni Toni si Vince Flores ay minabuti niyang patawarin na si Rob.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel