Britney Spears, binahagi ang ilang pictures na kuha sa kanyang mala-fairy tale na kasal

Britney Spears, binahagi ang ilang pictures na kuha sa kanyang mala-fairy tale na kasal

- Pinasilip ni Britney Spears ang kanyang mala-fairy tale na kasal sa kanyang longtime boyfriend na si Sam Asghari nitong June 9, 2022

- Kabilang sina Madonna, Paris Hilton, Drew Barrymore, Selena Gomez at Donatella Versace sa mga sikat na personalidad na dumalo sa kasal ng singer

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Sa kanyang binahaging mga pictures, tadtad ng mga bulaklak ang balkonahe ng bahay at maging ang kanyang karuwahe na hawig sa mga makikita sa fairytales

- Sa binahaging wedding video ni Britney, sinabi niyang "Fairytales are real"

Binahagi ni Britney Spears ang ilang mga pictures at video sa kanyang "Fairytale wedding" na ginanap nitong June 9, 2022. Kinasal siya sa kanyang longtime boyfriend na si Sam Asghari.

Britney Spears (@britneyspears)
Britney Spears (@britneyspears)
Source: Instagram

Ilan sa mga sikat na personalidad na dumalo sa kanyang kasal ay sina Madonna, Paris Hilton, Drew Barrymore, Selena Gomez at Donatella Versace na siyang nag-design ng kanyang gown.

Read also

MG, muling rumesbak: "Tapos ako ulit, para sa Knock Out Round"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang binahaging mga pictures, tadtad ng mga bulaklak ang balkonahe ng bahay at maging ang kanyang karuwahe na hawig sa mga makikita sa fairytales.

Kagaya ng glass shoes ni Cinderella ang kanyang sapatos na isinuot.

Sa binahaging wedding video ni Britney, sinabi niyang "Fairytales are real."

Ilang oras bago ang magarbo at masayang kasalan, sumugod ang ex-husband ni Britney Spears. Pinakita pa nito ang kanyang pagsugod sa property ni Britney sa pamamagitan ng isang live video.

Kinumpirma ng abogado ni Britney na naaresto ang ex-husband ni Britney na si Jason matapos ang kanyang ginawang pagpasok sa property ni Britney nang walang pahintulot.

Si Britney Jean Spears ay isang American singer at songwriter. Nakilala siya sa bansag na "Princess of Pop", matapos ang kanyang pagsikat noong 1990s at early 2000s. Kabilang sa kanyang mga hit singles ay Baby One More Time at Oops!... I Did It Again.

Read also

Vice Ganda, binahagi ang kanyang bag raid kay Kelsey Merritt

Nitong Abril lang nang isapubliko ni Britney ang kanyang pagdadalangtao sa kanyang asawang si Sam Asghari. Ito ang kanyang pangatlong anak. Naibahagi niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis isang buwan bago ginanap ang kanilang kasal.

Matatandaang noong 2019 ay ikinabahala ng mga tagahanga ng singer ang kanyang pag-post ng cryptic message sa social media. Gayunpaman, naglabas ng pahayag si Britney upang sabihin sa kanyang mga fans na wala silang dapat ikabahala at may pinagdadaanan lamang ang kanilang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel