Ogie Diaz sa estado ng relasyon nina Piolo at Arci; "Sila lang naman ang nakakaalam niyan"

Ogie Diaz sa estado ng relasyon nina Piolo at Arci; "Sila lang naman ang nakakaalam niyan"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz sa estado ng relasyon nina Piolo Pascual at Arci Muñoz

- Ito ay matapos na ibahagi mismo ni Arci ang larawan nila ni Piolo na magkasama sa Amerika

- Ani Ogie D, close na raw talaga ang dalawa noon pa man

- Lalo na noong nagkasama sila sa teleseryeng pinagbidahan ni Piolo na 'Since I found you'

Natanong nina Mama Loi, Tita Jegs at Dyosa Pockoh si Ogie Diaz patungkol sa muling napapabalita ngayon na magkarelasyon 'di umano sina Piolo Pascual at Arci Muñoz.

Ogie Diaz sa estado ng relasyon nina Piolo at Arci; "Sila lang naman ang nakakaalam niyan"
Piolo Pascual at Arci Muñoz (@ramonathornes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kahit na nasa Las Vegas si Ogie ay sinagot pa rin niya ang katanungan na ito ng tatlo na bahagi ng kanilang pinaka-latest na Showbiz Update.

Aniya, matagal nang close sina Arci at Piolo lalo na nang magkasama sila sa isang teleserye na pinagbidahan ng aktor, ang 'Since I Found You.'

Read also

Sue Ramirez, inaming fan ni Jodi Sta. Maria; nag-sorry sa aktres sa "batok scene"

"Napaka-close talaga niyan ni Papa Pi at ni Arci Muñoz. Katunayan, noong 2018 sila sobtang naging close noong nagkasama sila sa kanilang teleseryeng Since I Found You. Naalala niyo 'yun at hanggang ngayon, super duper close sila."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Parang magkapatid na ang kanilang turingan. Kaya kung sino-sino nang na-involve na ka-isplitan nila, pero ang ending sila pa rin ang magkaibigan," dagdag pa ni Ogie D.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Kamakailan, isa sa mga natalakay sa kanyang YouTube channel ay ang mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na madalas na magkasama sa Amerika.

Read also

Jodi Sta. Maria, nilinaw na wala siyang wig sa TBMV; "Buhok ko 'yun!"

Nilinaw niyang umalis ang dalawa kasama ang kanilang grupo at wala umanong katotohanan na naghiwalay na ang aktres kay Enrique Gil.

Matapos ito, nabanggit niya ang Hollywood dream ni Liza na tila unti-unti na nitong sinisimulan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel