Herlene Budol, nanghinayang na hindi niya naparanas sa lola ang maginhawang buhay
- Sa post ni Herlene Hipon, sinabi niyang sa dami ng gusto niyang gustong sabihin sa kanyang lola, tanging "sorry" ang kanyang nabanggit
- Aniya, nanghihinayang siya na hindi niya nabigyan ng magandang buhay ang kanyang Lola Bireng bago man long ito namayapa
- Nabanggit niya ang kanyang panghihinayang sa isang taon na nasayang dahil wala siyang napala sa una niyang manager kaya wala siyang napala sa kanyang pinagpaguran
- Si Herlene ay lumaki sa poder ng kanyang Lolo na kanyang tinatawag na Tatay Oreng at sa kanyang Nany Bireng
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pinanghihinayangan ni Herlene Budol na hindi niya nabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang Nanay Bireng bago ito tuluyang namayapa. Kaya naman, sa dami ng gusto niyang sabihin sa kanyang lola ay "sorry" ang kanyang nabanggit.
Nabanggit niya din ang tungkol sa nasayang na isang taon. Ito ay nang mapunta umano siya sa maling manager kaya napunta sa wala ang kanyang pinagpaguran sa loob ng isang taon. Nagpayo din siya sa mga netizens na ipadama sa kanilang mahal sa buhay ang kanilang pagmamahal habang buhay pa ang kanilang mga magulang.
Si Herlene ay lumaki sa poder ng kanyang Lolo na kanyang tinatawag na Tatay Oreng at sa kanyang Nany Bireng.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.
Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos. Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.
Marami ang namangha sa transformation ni Herlene matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kabilang siya sa mga 40 na kalahok na masuwerteng nakapasok sa naturang pageant. Matatandaang dahil hindi siya bihasa sa pagsasalita sa English ay sinabi niyang Tagalog ang gagamitin niya kapag siya ay sasagot sa mga katanungan.
Source: KAMI.com.gh