Alma Concepcion, isiniwalat ang umano'y kasalanang ginawa ng dating kasambahay

Alma Concepcion, isiniwalat ang umano'y kasalanang ginawa ng dating kasambahay

- Ayon kay Alma Concepcion, umamin sa kanila ang dating kasambahay kaugnay sa pagkuha nito ng pera nang mawalan ng pera ang kapatid ng aktres

- Noong umamin umano siya ay napagpasyahan nilang paalisin na lamang ang kasambahay na tinuring numano nila nang maayos

- Nang makaalis na ay nadiskobre umano nila ang resibo ng perang kanyang naipadala sa probinsiya nila na umabot sa P300,000

- Minabuti niyang mag-post upang magbigay babala dahil sa marami umano ang nawala sa kanila at ayaw niyang may mabiktima pa ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbababala si Alma Concepcion tungkol sa dati nilang kasambahay na aniya ay umamin sa pagkuha ng pera ng kapatid niya noon kaya nila pinaalis. Nang makaalis na ay nadiskobre umano nila ang resibo ng perang kanyang naipadala sa probinsiya nila na umabot sa P300,000.

Read also

Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"

Alma Concepcion, isiniwalat ang umano'y kasalanang ginawa ng sating kasambahay
Alma Concepcion (@alma.concepcion)
Source: Instagram

Bukod pa dito ay nadiskobre umano ng dating beauty queen ang ilang beauty products na nakatago sa laundry area nang mapaalis na nila ito.

Aniya, sa kabila ng magandang trato nila sa dating kasambahay ay hindi maganda ang isinukli nito sa kanila.

Unavailable na umano sa messenger ang dating kasambahay nang i-message ito ni Alma.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Beware of this person Jhovelyn Castillo https://m.facebook.com/jhovelyn.castillio.31 She was our house staff. Madami nawala sa amin. Pls share & be aware. Salamat. Around 300k ang napapadala nya sa probinsya sa loob ng 2 taon na hindi pasok sa sahod nya. Yung iba di pa namin alam. Umamin sya nung nawalan ng dollars yung brother ko. Syempre Pati Beautederm items nakita ko bakatago sa laundry area nung naglinis ako nung umalis na sya. kaya ayun gumanda sa amin we treated her like family- nakaka gimik, nakaka barkada, nakaka “hang out” pa mga kaibigan dito pero wala pa rin. Pangit ang sinukli.

Read also

Ian Veneracion, binahagi ang love story nila ng kanyang misis

Parang barkada pa umano ang turing sa kanya ng kapatid ni Alma. Sa katunayan ay sinasama pa umano ito pag lumalabas at pag nanonood ng sine.

Tiga Romblon sya. Nung umamin sya pinaalis namin at nakita namin yung mga resibo ng palawan na umabot ng 300k sa loob ng mga 2 taon. Pakulong ko kaya? Panay dollars ang kinuha sa kapatid ko Albert Carvajal Concepcion na tinrato syang barkada parati pa sya sinasama sa labas labas at nood ng sine. pati anak ko Cobie Puno nawalan din ng money dahil syempre sa bahay relax lang naka patong lang mga wallets kung saan saan. Kung nasaan ka man Jhovelyn PM mo ako

Si Alma Concepcion ay sumali umano sa Binibining Pilipinas noong 1994, nang nag-tourism major siya sa University of Santo Tomas. Naging isa siya sa mga title holders, kasama sina Charlene Gonzales, na siyang kinoronahan naman bilang Binibining Pilipinas Universe. Umabot siya sa top finalist ng Miss International sa Tokyo, Japan at nanalo ring Miss Friendship.

Read also

Rob Moya, umalma sa umano'y pambibintang sa kanya ng isang content creator

Makalipas ang dalawang taon, pinasok na rin ni Alma ang pag-aartista kung saan naging nomindo pa siya bilang best supporting actress sa Gawad Urian noong 1996. Ito ay para sa pelikulang 'Sa Ngalan ng Pag-ibig'.

Nagtapos din si Alma ng Interior Designing sa University of the Philippines at isa na siya ngayong licensed interior designer. Taong 2019, sa edad na 44, nasungkit pa rin ni Alma ang korona bilang Miss Grand Universe.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel