Paolo Benjamin sa kanyang weight loss journey: "80 pounds in two years"

Paolo Benjamin sa kanyang weight loss journey: "80 pounds in two years"

- Naikwento ni Paolo Benjamin ng bandang Ben & Ben kung paano niya sinimulan ang kanyang weight loss journey

- Aniya, nasa 80 pounds ang nawala sa kanya sa loob ng mahigit na dalawang taon

- Aminadong hindi nakakapag-exercise noon na siyang malaki naman ang naitulong sa kanya ngayong bumaba na ang kanyang timbang

- Isa sa tip na kanyang binigay ay ang pagtatanggal ng snacks sa kanyang kinakakain araw-araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga naitanong ni Karen Davila sa interview niya sa kambal ng Ben and Ben ay ang weight loss journey ni Paolo Benjamin Guico na nagbigay inspirasyon sa marami.

Paolo Benjamin sa kanyang weight loss journey: "80 pounds in two years"
Paolo Benjamin Guico ng bandang Ben & Ben (@paolobenjamin_)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nasa 80 pounds umano ang nawala kay Paolo sa loob ng mahigit dalawang buwan nito sa kanyang fitness journey.

"'Yung goal ko talaga, was to make it something that's for good,"

Read also

Paolo ng Ben and Ben, emosyonal sa vlog ni Karen Davila: "First time ko maiyak sa interview"

"Ang una kong ginawa I would say, maging aware ka muna gaano karami ang kinakain mo. So ang next question is ok gaano ba dapat karami?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kilala mo naman 'yung sarili mo so depende na talaga sa'yo. Halimbawa, may iba kasi talaga gumagana 'yung walang rice gumagana 'yun e. Ako hindi gumagana sa'kin 'yung walang rice or intermittent fasting. ang tinanggal ko 'yung the many snacks in between," pahayag ni Paolo.

Malaki rin umano ang naitulong sa kanya ng pag-exercise at ang gym sa mismong building ng kanilang tinitirahan.

Narito ang kabuuan ng kanilang makabuluhang kwentuhan mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Sina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin Guico ay bahagi ng bandang Ben & Ben na unang nakilala umano bilang 'The Benjamins.' Taong 2015 nang makilala si sa Philippine music scene dahil sa awitin nilang 'Kathang Isip ' at 'Tinatangi.'

Read also

Anne Curtis, humirit ng 'take 2' sa kanyang performance sa pagbabalik It's Showtime

Mula noon, hindi na mapigil umano ang pagsikat ng kanilang mga inilalabas na awitin tulad ng 'Pagtingin,' 'Maybe the night', 'Leaves' at marami pang iba.

Nito lamang Halalan 2022, isa rin ang bandang Ben & Ben sa mga boluntaryong sumuporta sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan. Una silang nakasama sa nasabing kampanya noong Marso 20 sa Pasig City hanggang sa halos lahat na ng People's rally ng Leni-Kiko tandem at Tropang Angat ay kabilang na sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel