Kaibigan ni Kris Aquino, nagbigay ng update sa kalagayan ng TV host: “Kris now is really sick”

Kaibigan ni Kris Aquino, nagbigay ng update sa kalagayan ng TV host: “Kris now is really sick”

- Naibahagi ng malapit na kaibigan ni Kris Aquino na si RB Chanco na patuloy aniya ang paglaban ni Kris sa very rare health condition nito

- Maging sila na malalapit na kaibigan ni Kris ay doble ingat umano dahil sa kalagayan ng TV host

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Sumasailalim muna sila sa PCR testing bago sila dumalaw kay Kris upang masigurado ang kaligtasan nito lalo at immuno-compromised ang tinaguriang Queen of All Media

- Sa kabila ng mabigat na pinagdadaanan ni Kris, nanatiling positibo ang pananaw ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby ayon kay RB

Sa ulat ng PUSH o Philippines Ultimate Showbiz Hub, naibahagi ng malapit na kaibigan ni Kris Aquino na si RB Chanco ang kalagayan ng Queen of All Media. Patuloy umano ang paglaban ni Kris sa very rare health condition nito.

Read also

Aubrey Miles, binahagi ang improvement sa anak na si Rocket

Malapit na kaibigan ni Kris Aquino, nagbigay ng update sa kalagayan ni TV host
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Aniya, maging sila na malapit na kaibigan ni Kris ay doble ingat para masigurado ang kaligtasan ng TV host. Sumasailalim muna sila sa PCR testing bago sila dumalaw kay Kris.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“With her auto immune has already… and talagang immuno-compromised ba ang term, parang she cannot just go anywhere and we really be very careful. If we visit, we have to do PCR up until now even if the pandemic restrictions loosened up. We can naman visit naman but we have to do PCR testing first. Kasi once na tamaan siya, it’s really scary and we don’t want naman be the reason na magdala ng virus sa bahay,”

Panuorin ang pahayag ni RB sa video na ito:

Sa isang post ng kolumnistang si Lolit Solis, sinabi nito na namamalagi si Kris Aquino sa loob ng kwarto at nahihirapan kahit sa gawain kagaya ng pagsusulat.

Read also

Ina ni Robert Bolick, sinabing nagpakasal ang anak nila nang hindi nila alam

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Kinalaunan ay isinapubliko nila ang tungkol sa kanilang engagement. Gayunpaman, naudlot din ito at ibinahagi ni Kris na hiwalay na sila ni Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel