Francine Diaz, abot-abot ang pagso-sorry matapos niyang mabangga ang kotseng tini-test drive

Francine Diaz, abot-abot ang pagso-sorry matapos niyang mabangga ang kotseng tini-test drive

- Masaya si Francine Diaz na nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-test drive ng ilang mga kotse na aniya'y dream car niya

- Gayunpaman, habang nagmamaneho siya ay may nangyaring aberya matapos masagi sa gutter ang gilid ng isa sa mga sasakyan

- Bukod sa gasgas ay may bahaging natanggal kaya nag-sorry kaagad si Francine at ayon naman sa staff ay maayos naman umano nila iyon

- Ayon sa isa sa mga staff ay madalas naman daw nangyayari iyon kapag tini-test drive ang mga sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang bagong vlog ay pinakita ni Francine Diaz ang kanyang pagsubok na mag-drive ng ilan sa mga sasakyan sa pinuntahan nilang showroom. Bukod sa gasgas ay may bahaging natanggal kaya nag-sorry kaagad si Francine.

Francine Diaz, abot-abot ang pagso-sorry matapos niyang mabangga ang kotseng tini-test drive
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Masaya si Francine na naransan niyang mag-drive ng ilan sa kanyang mga dream car. Gayunpaman, habang nagmamaneho siya ay may nangyaring aberya matapos masagi sa gutter ang gilid ng isa sa mga sasakyan.

Read also

Andrea Brillantes, hindi sadya ang pagbe-baby talk: "Part siya ng childhood ko na nawala"

Ayon naman sa isa sa mga staff, madali lang ayusin iyon at nangyayari daw talaga iyon kapag tini-test drive ang mga sasakyan.

Marami naman sa mga fans ni Francine ang natuwa na unti-unting nagiging independent ang aktres:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Congrats chin! Prang kailan lang our little Cassie nagdrive na at dalaga na tlaga. More achievements to come.
Ambilis ng panahon. I sometimes still see Chin as a 15 year old Cassy. Ngayon, nagdadrive na siya. Congrats sa lahat ng mga achievements mo Chin.
Keep it up chin❤️ sabi nila hindi ka raw magiging magaling na driver kapag hindi ka nka experience ng fail sa pag dadrive.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Read also

Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano: "Hanggang May 31, 2022 pa po"

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Matatandaang naging kotrobersiyal ang picture ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine. Naging ugat ito ng bangayan sa pagitan ng tagasuporta nina Francine at Andrea kamakailan. May lumabas ding balita tungkol sa umano'y panunugod ni Andrea kay Francine sa dressing room

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel