Sen. Loren Legarda, ibinahagi ang bonding moments nila nina Toni at Alex Gonzaga
- Ibinahagi ni Senator Loren Legarda ang umano'y bonding umano nila nina Toni at Alex Gonzaga
- Aniya tila 'sisters' o 'daughters' na ang turingan nila sa isa't isa
- Kasama rin nina Toni at Alex ang kanilang mister na sina Paul Soriano at Mikee Morada
- Matatandaang kamakailan ay naiproklama na ang pagbabalik senado ni Legarda na pasok sa Magic 8 ng halos katatapos lamang na eleksyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Masayang ibinahagi ni Senator Loren Legarda ang bonding nila ng kanyang "new found friends" na sina Toni at Alex gonzaga.
Nalaman ng KAMI na mismong si Senator Loren ang nagbahagi ng kanilang mga larawan kasama ang magkapatid.
Aniya, tila "sisters" o "daughters" na ang turing niya sa mga ito.
"Alex and Toni, @cathygonzaga @celestinegonzaga new found friends, like sisters, maybe daughters Alex makes us laugh, we make ate Toni sing impromptu"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Makikita rin na kasama ni Toni ang mister nitong si Direk Paul Soriano at si Alex naman na kasama ang asawa na si Mikee Morada na nanguna sa pagka-konsehal ng Lipa City.
Kasama rin ng magkapatid ang kanilang Uncle Jojo na nakapagpasaya rin umano sa senador.
"@uncle_jojo_cruz who silently smiles, laughs with us. Malay ko naman na ang hand sign na yan ay “burger”? Hindi ko naman alam na ang burger na sinisigaw ay “ok ka” at hindi hamburger kasi gutom ang mga tao"
Narito ang kabuuan ng post:
Si Lorna Regina "Loren" Bautista Legarda ay isang Filipina politician, environmentalist, cultural worker at dating batikang journalist. Mula 1998 hanggang 2004 at mula 2007 hanggang 2019, naglingkod siya bilang senador ng bansa. At ngayon, pumangalawa pa si Legarda sa 12 senador na nahalal sa 2022 Elections.
Samantala, nanguna naman sa senatorial race ang aktor na si Robin Padilla. Kasama nila ni Legarda na pumasok sa Magic 12 sina Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Estrada Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.
Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.
Source: KAMI.com.gh