Cristy Fermin, hanga sa disiplina ni Ai-Ai Delas Alas sa buhay lalo na sa pagkain

Cristy Fermin, hanga sa disiplina ni Ai-Ai Delas Alas sa buhay lalo na sa pagkain

- Aminadong hanga si Cristy Fermin sa panuntunan sa buhay ni Ai-Ai Delas Alas

- Una niyang binigyang puri ang kung paano sumagot si Ai-Ai pagdating sa mga tanong ukol sa pulitika

- Gayundin ang disiplina umano nito sa pagkain na talagang hindi ito kumakain ng kanin at puro isda at gulay lamang na ni wala rin daw umanong asin

- Ito raw ang dahilan kung bakit slim at healthy si Ai-Ai na abala ngayon sa pangangampanya sa grupo ni Bongbong Marcos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hanga umano si Cristy Fermin sa mga panuntunan sa buhay ng aktres at komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas.

Cristy Fermin, hanga sa disiplina ni Ai-Ai Delas Alas sa buhay lalo na sa pagkain
Ai-Ai Delas (@msaiaidelasalas)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na talagang disiplinado umano si Ai-Ai maging sa pagkaing kinakain niya.

Ayon sa talakayan nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio sa Showbiz Now Na, talagang kahanga-hanga ang aktres na talagang hindi kumakain ng bawal sa kanya.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Purong gulay at isda lamang daw ang kinakain nito na ultimo asin ay hindi nito nilalagyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kay Ai-Ai, hindi siya kakain ng hindi pwede sa kanya. Hindi matigas ang ulo niya. Hindi siya kumakain ng kanin, gulay at isda lamang at depende sa isda, depende sa gulay," pahayag ni Cristy.

"'Yun lang, napakaganda ng panuntunan niya sa buhay. May disiplina," dagdag pa ng batikang showbiz reporter.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!"

Si Cristy Fermin is a veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Kamakailan, isa rin sa mga pinuri ni Cristy Fermin ay si Angel Locsin. Inamin pa ni Cristy na talagang naluluha pa umano siya tuwing makikita si Angel na kasama ang ama nito.

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel