Cristy Fermin, 'di nagustuhan ang nasabing 'libreng booking' ni Mayor Isko
- Hindi raw umano nagustuhan ni Cristy Fermin ang nasabi ni Mayor Isko Moreno tungkol sa 'libranng booking'
- Ito ay patungkol sa nabanggit ni Mayor Isko sa isa sa kanyang mga rally kung saan hinanap pa nito ang mga LGBT group at pabirong sinabi ang tungkol sa booking
- Ang tinutukoy raw kasi ng alkalde ay ang anak niyang si Joaquin Domagoso
- Ani Cristy hindi umano maganda ang nasabi ni Isko lalo na at patungkol ito sa kanyang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagbigay komento si Cristy Fermin patungkol sa umano'y nasabi ni Mayor Isko Moreno sa 'libreng booking' nito sa LGBT community.
Nalaman ng KAMI na nasabi ito ni Mayor Isko sa isa sa kanyang naging campaign rally kung saan 'libreng booking' umano sa mga LGBT ang kanyang anak na si Joaquin Domagoso.
Hindi raw ito nagustuhan ni Cristy Fermin kahit pabiro pa ang pagkakasabi ng alkalde.
"Ito magpakatotoo tayo. Tutal nagsasalita rin lang siya sa kanyang anak ng libreng booking. Hindi ko gusto 'yun. Hindi ko gusto yung ginawa ni Mayor Isko Moreno. Umakyat siya sa kanyang rally tapos 'may mga LGBTQ ba rito?' dami, dami nagsigawan. Bibigyan ko kayo ng booking, libre. Hulaan mo sino yung libreng booking, si Joaquin Domagoso."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Kasi kami hindi namin siya kabisado. Edi sinabi niya, may libre daw booking. Ang showbiz po, isa po itong hulmahan. Ang kilos ng isanga artista, alam ng lahat. Huwag naman tayong magmalinis, huwag naman tayong mambato ng putik sa iba na para bang wala tayong kadungis-dungis," paliwanag pa ni Cristy.
Segunga naman ni Romell Chika, kung sinabi lamang ito ng alkalde para pasayahin ang mga LGBT nung gabing iyon, nilawarawan nilang 'pangit' umano ang naging pahayag ng presidential candidate.
Sinang-ayunan din ito ng isa pa nilang kasamang si Morly Alinio na hindi raw dapat umano ito nasabi pa ng alkalde.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22, 2021.
Oktubre 4, 2021 naman ng sabay na maghain ng kanilang certificate of candidacy si Mayor Isko gayundin ang kanyang running mate sa pagka-bise Pangulo na si Doc Willie Ong.
Ilang araw matapos na mag-file noon ng candidacy ay umugong na agad ang 'Withdraw Isko' at hiniling ng ilan na tumakbo na lamang ito bilang bise presidente.
Agad naman itong sinangga ng presidential candidate at sinabing karapatan pa rin niya ang tumakbo sa posisyong nais niyang magampanan.
Source: KAMI.com.gh