Xian Gaza, nanindigang hindi buburahin ang nilabas na picture ni Skusta Clee

Xian Gaza, nanindigang hindi buburahin ang nilabas na picture ni Skusta Clee

- Kasunod ng kanyang nilabas na pictures, umani ng samu't-saring reaksiyon ang post ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account

- Inilabas niya ang picture ni Skusta Clee kasama ang isang babae ngunit wala siyang nilagay na caption sa kanyang post

- Tumawag din umano si Zeinab Harake sa kanya para linawin na kaibigan lang ni Skusta ang babaeng kasama niya sa picture

- Kaya naman, aniya hindi niya buburahin ang kanyang post dahil wala naman umanong libel sa kanyang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanindigan si Xian Gaza na hindi umano niya buburahin ang kanyang post kung saan ibinahagi niya ang picture ni Skusta Clee kasama ang kaibigan nitong babae. Aniya, wala namang libelous sa kanyang post dahil wala naman siyang sinabi tungkol sa mga ito.

Xian Gaza, nanindigang hindi buburahin ang nilabas na picture ni Skusta Clee
Picture from Christian Albert Gaza
Source: Facebook

Kinuwestiyon niya rin kung saan magsasampa ng kaso kung sakaling sasampahan nga siya dahil base sa kanyang mga post sa social media ay iba-iba ang lugar kung saan siya pumupunta.

Read also

Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan

Hindi ko yan ide-delete dahil walang libel diyan. Paano naging cyberlibel yan eh ni wala ngang caption? Kun'di pala kayo mga bobo't tanga. Osige, let's say may sinabi akong libellous statements, so saan sila magsasampa ng kaso? Sa Pinas? Sa UAE? Sa Thailand? Eh nasa Venice, Italy ang IP address kung saan ginawa ang Facebook post. Sa Europe nangyari ang krimen.

Binanggit pa nito na hindi umano siya si Enchong Dee. Matatandaang kinasuhan ang aktor ng cyber libel matapos ang kanyang pahayag sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mag-research at magbasa-basa kasi kayo hindi yung puros TikTok at Youtube ang inaatupag ninyo kaya lumalaki kayong mga stupid citizens of planet Earth. Shunga ba ko para mabutasan? Si Xian Gaza ako, not Enchong Dee. Good evening mga hampaslupa.

Read also

Jake Cuenca, emosyonal matapos isapubliko ang tungkol sa paghihiwaly nila ni Kylie Versoza

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapagpiyansa at kasalukuyang nasa ibang bansa at mayroon nang sariling negosyo.

Ang pagtulong niya sa lalaking nahuling nagnakaw ng diaper ay umani ng reaksiyon mula sa mga netizens.

Muling naging laman ng balita si Xian dahil sa panibago niyang pakulo na billboard proposal para makasama sa isang dinner date si Jennie na miyembro ng K-pop group na Blackpink.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel