Jolina Magdangal, kinagiliwan sa todo-todong house to house campaign niya sa Laguna

Jolina Magdangal, kinagiliwan sa todo-todong house to house campaign niya sa Laguna

- Viral ngayon ang video ni Jolina Magdangal sa pagha-house-to-house campaign nito sa Laguna

- Makikita kasing umabot pa ito sa balkunahe ng isang bahay at nakumpinsi ang may-ari nito na magsabit ng 'Leni-Kiko' poster

- Habang ginagawa ito ng may bahay, makikitang nagsasayaw pa si Jolens

- Maging ang mga netizens ay namangha sa 'convincing powers' ni Jolina lalo na at nalalapit na ang Halalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena ngayon sa social media ang video ni Jolina Magdangal sa house-to-house campaign nito para sa 'Leni-Kiko tandem.'

Jolina Magdangal, kinagiliwan sa todo-todong house to house campaign niya sa Laguna
Jolina Magdangal (@mariajolina_ig)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bukod sa pagiging performer at host sa mga People's rally ni presidential aspirant Leni Robredo at grupo nito, sumasama rin sa house-to-house campaign lalo na at nalalapit na ang Halalan na gaganapin sa May 9.

Sa video na ibinahagi ng Jolegend Slaydangal, makikitang nakarating pa sa balkonahe ng isang bahay sa Laguna si Jolina.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Kapansin-pansin din ang makulit niyang pagsasayaw gayung tila nakumbinsi niya ang may bahay nito na maging isang 'Leni-Kiki' supporter na rin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga netizens ay naaliw kay Jolina na tila hindi raw umano nauubusan ng 'energy' sa kabila ng madalas na pagsama nito sa mga campaign rally para sa mga 'Kakampink.'

Narito ang kabuuan ng video:

Isa lamang ang Kapamilya star na si Jolina Magdangal sa mga kilalang personalidad na boluntaryong sumusuporta umano sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa pagka-presidente at bise presidente.

Gayundin ang mister nitong si Mark Escueta na drummer ng bandang Rivermaya na madalas ding kasama ng grupo ni Robredo sa mga People's rally sa iba't ibang bahagi ng bansa.

kamakailan ay inihayag ni Jodi Sta. Maria ang kanyang pagiging isa umanong 'Kakampink.'

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Noong April 23, nag-tweet si Jodi ng "Papunta pa lang tayo sa exciting part" kalakip ang kanyang larawan kung saan suot niya ang kulay pink na blazer.

Sinundan naman ito ng pahayag niya na pagsuporta sa senatoriable na si Atty. Chel Diokno na isa sa mga 'Tropang Angat' ng 'Leni-Kiko tandem.'

Katunayan, nakiisa na rin ito sa house-to-house campaign para sa "Leni-Kiko tandem" at para na rin sa kandidatura ni Diokno sa pagka-senador.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica